
Hiro Magalona Peralta conveys compassion on Kuya Germ’s hospitalization; talks about his role on Yagit
by John Fontanilla
Hindi daw maiwasang malungkot ng Kapuso Teen Star na si Hiro Magalona Peralta sa sinapit ng
kanyang tatay-tatayan sa showbiz na si Kuya Germs na hangang sa ngayon ay nasa St. Luke’s Medical
Center at nagpapagaling dahil sa mild stroke.
Kuwento nga ni Hiro “Actually nalaman ko siya through news, tsaka madami ang nagtatanong sa akin
kung totoo daw ba na na mild stroke si tatay at isinugod sa ospital.
“Kaya dali dali kong tinawagan si Tatay Germs, pero walang sinasagot sa cellphone niya kaya kinabahan
ako at inisip ko na totoo.
“Kaya ang ginawa ko tinawagan ko yung mga co-Walang Tulugan artist at sa kanila ko nalaman na totoo
daw dahil kalat na kalat na daw sa FB yung paghingi ng prayers para kay Tatay Germs .
“Pupunta sana ako sa St. Luke’s para bisitahin si tatay pero ipinagbabawal daw muna ng duktorr ang
pagbisita para daw malapagpahinga si tatay at mas mabilis ang paggaling.
“So nakikibalita na lang kami sa mga secretary ni Tatay Germs kasi sila yung laging naroroon.
“Kaya ang puwede lang naming gawin ay ipagdasal siya para sa mabilis niyang recovery at yun ang
ginagawa ko.
“Sabi nga nila mabisa ang dasal sa lahat ng bagay.
Happy nga daw si Hiro dahil sa mga latest na good news na unti-unti nang gumagaling si Kuya Germs.
“Nakakatuwa kasi yung mga nakakarating sa aming balita umo-okey na yung lagay ni Tatay Germs
compare nung mga nakalipas na araw.
“Sana tuloy tuloy na yung paggaling niya , kasi naminiss na namin siya sa Walang Tulugan,
“Iba kasi ‘pag nandun siya sa show, iba yung energy na dala niya. Nakakahawa dahil sobra siyang
energetic at ramdam na ramdam mo sa kanya yung dedikasyon sa trabaho.
Sa kanyang mensahe, “Tatay pagaling ka, pag ginusto mo walang imposible.
“Lagi mong tatandaan na nandidito lang kaming mga anak-anakan mo at magdarasal sa mabilis mong
paggaling,
“Miss na miss ka na namin , kaya kailangang magpagaling ka na.”
Nang tanungin naman ng Philippine Showbiz Republic (psr.ph) tungkol sa kanyang new projects, “sa
ngayon nasa Yagit pa rin ako kung saan ibang Hiro naman ang napapanood nila dito,
“Kung nasanay sila na mabait lagi yung role ko sa mga previous soap ko, dito medyo bad boy ako. Kasi
leader ako ng mga batang astig hahaha,
“Pero natutuwa ako kasi iba naman, para may iba naman akong ike-cater sa mga manonood,
“Tapos boses ko naman ang ginamit dun sa lead ng animee na Kamen Ryder,
“Bukod pa sa mga ibang guestings ko sa GMA 7. ” pagatatapos ni Hiro.
Follow me…