Hiro Magalona Peralta gustong makatrabaho ang kamag anak na si Elmo Magalona
Masaya daw ang Kapuso Tween Star na si Hiro Magalona Peralta dahil na rin sa hindi siya nawawalan ng proyekto sa GMA 7 kung saan kasama ito sa Afternoon serye na ” Yagit ” at gamit naman ang kanyang boses sa animee na ” Kamen Ryder ” .
Kuwento nga nito sa Portal Showbiz Republic na gusto niya daw makatrabaho ang kanyang kamag anak na si Elmo Magalona na kapareho niyang Kapuso Artist
“Siguro kung dream lang amg pag uusapan, isa yun sa Dream ko ang makatrabaho si Elmo,
“Kasi medyo matagal na rin ako sa GMA at pareho kaming nasa Kapuso Network pero wala pang chance na magkatrabaho kami,
At kahit nga daw sa Reunion ng kanilang Pamilya at hindi niya nakakasama si Elmo. “Bale si Tito Francis ( yumaong Francis Magalona ) lang at si Lolo Pancho yung nakikita ko noon sa mga reunion namin, kaya laking saya ko nung nakilala ko siya,
“Minsan ko nang nakausap si Elmo ng mag guest ako noon sa Party Pilipinas, pero hi hello lang, hindi kami nakakapag usap ng medyo matagal,
“Tapos naulit yun nung mag guest ako sa Sunday All Star, nakausap ko siya ng konti ,pero walang chance na makapag usap kami tungkol sa pagiging magkamag anak naming,
“Sana mabigyan kami ng pagkakataong magkasama sa show , siguro doon makikilala namin ang isa`t-isa at magiging close kahi`t papano,
Bukod ka ‘y Elmo gusto daw muling makatrabaho ni Hiro si Kim Rodriguez ang kanyang original Loveteam “Hopefully makatrabaho ko siya ulit.
“Kasi namiss ko din yung tandem namin, siya kasi yung kauna-unahan kong ka loveteam, kaya naman gusto kong makasama siya ulit at makatrabaho,
“Alam ko rin naman na gusto rin niya akong makatrabaho ulit kasi nag uusap kami minsan at nagkakasama din sa ibang mga events,
“Siguro sa next show, baka pagbigyan na kami ng GMA na magsama sa isang soap lalo na’t tapos na rin ang Strawbery Lane. ” Pagtatapos ni Hiro.
Follow me…