
Hiro Magalona Peralta looks forward to working with cousin, Elmo Magalona
by John Fontanilla
Masaya daw ang Kapuso Teen Star na si Hiro Magalona Peralta dahil na rin sa hindi siya nawawalan ng proyekto sa GMA 7 kung saan kasama ito sa afternoon serye na “Yagit” at gamit naman ang kanyang boses sa animee na “Kamen Ryder”.
Kuwento nga nito sa Philippine Showbiz Republic (psr.ph) na gusto niya daw makatrabaho ang kanyang kamag anak na si Elmo Magalona na kapareho niyang Kapuso artist
“Siguro kung dream lang ang pag-uusapan, isa yun sa dream ko, ang makatrabaho si Elmo,
“Kasi medyo matagal na rin ako sa GMA at pareho kaming nasa Kapuso Network pero wala pang chance na magkatrabaho kami.”
At kahit nga daw sa reunion ng kanilang pamilya ay hindi niya nakakasama si Elmo. “Bale si Tito Francis (ang yumaong Francis M.) lang at si Lolo Pancho yung nakikita ko noon sa mga reunion namin, kaya laking saya ko nung nakilala ko siya,
“Minsan ko nang nakausap si Elmo ng mag-guest ako noon sa Party Pilipinas, pero hi, hello lang, hindi kami nakakapag usap ng medyo matagal,
“Tapos naulit yun nung mag-guest ako sa Sunday All Star, nakausap ko siya ng konti, pero walang chance na makapag-usap kami tungkol sa pagiging magkamag-anak namin,
“Sana mabigyan kami ng pagkakataong magkasama sa show, siguro doon makikilala namin ang isa’t-isa at magiging close kahit papano,
Bukod kay Elmo gusto, daw muling makatrabaho ni Hiro si Kim Rodriguez ang kanyang original na ka-love team, “Hopefully makatrabaho ko siya ulit.
“Kasi na-miss ko din yung tandem namin, siya kasi yung kauna-unahan kong ka-love team, kaya naman gusto kong makasama siya ulit at makatrabaho,
“Alam ko rin naman na gusto rin niya akong makatrabaho ulit kasi nag-uusap kami minsan at nagkakasama din sa ibang mga events,
Follow me…