May 22, 2025
Holy week stage play gets cancelled; lead actor Lance Raymundo reacts
Latest Articles

Holy week stage play gets cancelled; lead actor Lance Raymundo reacts

Mar 23, 2020

Aminado si Lance Raymundo na nalungkot siya dahil hindi natuloy ang play nilang Martir Sa Golgota dahil sa corona virus.

Nakatakda dapat itong ipalabas ngayong Holy Week sa Plaza Hugo, Sta. Ana; Tarlac; Luneta; at Greenfield District, Mandaluyong.

Ilang taon na rin ginagampanan ng singer/aktor na si Lance ang papel na Kristo para sa Senakulong ito na mula sa pamamahala ng beteranong actor/director na si Lou Veloso.

 “As soon as Direk Lou announced the cancellation, agad kong tinanggap at sinang-ayunan ang desisyon, kasi, kailangan nating gawin ang lahat nang puwedeng gawin para makatulong sa pag-control sa pag-spread ng corona virus.

“Lahat kaming cast and crew ay nalungkot sa desisyon pero kailangan gawin ang tama, kaya wala nang tumutol pa,” pahayag ni Lance.

Dapat ay ika-limang taon na niya this year na gaganap bilang Kristo sa naturang stage play. Una ay noong 2015, sumunod ay noong 2017, tapos ay 2018 at last year.

Ano ang maipapayo niya sa mga nagpa-panic dahil sa corona virus?

Saad ni Lance, “Ang payo ko is definitely not to panic, but we should work in unity in being obedient and responsible. At huwag nang maghanap ng negative angle sa lahat na mga bagay na ginagawa dahil para rin naman sa kaligtasan natin iyan. Let’s just do all we can to positively contribute to the faster end of this crisis.”

Samantala, bukod sa bagong pelikula, pinaghahandaan din ngayon ni Lance ang gagawing music video. Ito ay para sa latest single niyang Sana na siya rin ang composer.

Makakasama niya rito ang talented Viva artist na si Kara Madrid, na bukod sa pagiging aktres at singer/composer, ay may ibubuga rin sa sayawan. 

Leave a comment