
How Kathryn celebrates birthday at Palawan
Nag celebrate ng kanyang 21st birthday ang Teen Queen na si Kathryn Bernardo pero hindi siya nagkaroon ng showbiz party. Mas pinili niyang i-celebrate ang kaarawan sa El Nido Palawan. Nag-stay siya sa loob ng apat na araw, kasama ang ka-loveteam na si Daniel Padilla.
“Feeling ko sa lahat ng birthday ko, ito na yata yung pinaka-favorite ko , so far, itong 21st ko,” sabi ni Kathryn sa presscon ng latest movie nila ni Daniel na Can’t Help Falling In Love, mula sa Star Cinema, na showing na sa April 15.
Patuloy niya, “Parang nagkaroon kami ng sariling mundo doon kasi may mga place na walang signal. Tapos nag-arrange lang ng dinner sa sandbar. Nanonood lang kami ng stars kapag gabi, watching the sunset.
“Sobrang simple lang talaga ng mga bagay, dahil sobrang mababaw akong tao, sobrang napasaya ako. Parang after all the hardwork, before my birthday, parang naka-recharge ako sa four day na yon. The best birthday ever.”

Sa tanong kay Kathryn kung anong birthday gift sa kanya ni Daniel, ngiti lang ang sinagot niya. Si Daniel na lang ang sumagot para sa kanya.
“Wala siyang masagot kasi wala akong regalo,” natatawang sabi ni Daniel.
‘Yung regalo ko sa kanya, hindi naman materyal na bagay, para maiba naman. Mas more on doon sa effort and sa pag-alaga ko sa kanya sa El Nido. At siyempre, yung pagmamahal nandoon. Yung ang bagay na di mo maibibigay.”
Pero may ibibigay din daw na gift si Daniel kay Kathryn.
“Siyempre, kailangan meron din. Kasunod pa lang,” aniya pa.
Kamusta na ba ang estado ng relasyon nila ni Kathryn?
“Exclusive po kami sa isa’t isa,” sagot ni Daniel.
Ipinaliwanag ni Daniel kung ano ang ibig niyang sabihin na exclusive sila sa isa’t-isa ni Kathryn.
“Exclusive ho kami sa isa’t isa, kumbaga, sa personal po naming buhay. Pero siyempre, sa trabaho nating ito, hindi naman puwedeng sabihin na ganun lang. Darating tayo sa point na magkakaiba rin.
“Pero sa ngayon, huwag na muna nating pag-usapan, kasi mayroon pa naman kaming bagong pelikula ngayon na magkasama.” paliwanag pa niya.