
How Wilbert Tolentino has impacted the community during pandemic
IPINANGANAK si Wilbert Tolentino na nananalaytay na sa kanyang dugo at mga ugat ang pagtulong.
Kakambal na ‘yun ng kanyang pagkatao, totoo at likas na tulong. Hindi namimili ng panahon, ng pagkakataon, ng kulay, ng estado at kasarian.
Walang hinihintay na kapalit at ilaw ng kamera. Ebidensiya na ang mga charitable works at ibat-ibang klaseng pa-kontes na marami ang nakinabang, sumaya at ngumiti.
Malikhain din ang pilantropo at negosyanteng si Wilbert. Hindi uso sa kanya ang pagod at hirap sa paghahanap ng paraan kung paano makatutulong sa kanyang kapwa.
Sa paraan na alam at kaya niya. Ang pagtulong niya ay hindi nagsisimula sa pagtilaok ng manok sa umaga at nagtatapos sa iyak ng mga insekto sa umaagaw sa katahimikan ng gabi.

Hangga’t kaya niya, sige lang. Oo, may salapi at kakayahan siya at bentahe na niya yon, pero gustong sabihin din sa atin ni Wilbert na puwede ka rin namang makatulong sa paraan na alam at kaya mo kahit salat ka sa yaman. Sadyang pakilusin mo lang ang ‘yung pagiging creative at ma-diskarte.
At ngayon sa gitna ng pandemikong problema ng daigdig dahil sa COVID-19, hinaplusan at diniligan ng tulong ni Wilbert ang entertainment press community.
Mga taong sadyang malapit sa kanyang puso. Inilunsad niya ang Sir Wil Online Media Challenge. Kung saan magtatagisan ng talento at talino ang mga sumaling miyembro ng entertainment indsutry ng iba’t ibang platforms. Kanya-kanyang diskarte at atake ang mga ito sa medium na pinili.
Open din si Wilbert na miyembro ito ng LGBTQ Community. At dito rin, damang-dama mo ang adbokasiya niyang i-uplift ang tingin at persepsyon ng estado at puliko sa ating nabibilang sa grupong ito.
May paninindigan at nakikipaglaban para sa totoo, pantay na laban at trato sa ating lipunan. May prinsipyo siya. Dapat ipahayag kung ano ang saloobin kahit masakit ang paglantad ng katotohanan, para sa kanya, di dapat palakpakan ang mali, purihin ang pangit at saluduhin ang negatibo.

Bagamat isa siyang negosyante, pero hindi siya nalamon ng sistema at komersiyalismo. Anumang kita ay ibinibahagi niya rin ‘yun sa kanyang kapwa.
Siyempre ang sarap sa pakiramdam ng tao kung ito’y nakatulong dahil alam niyang nakapagpasaya at nakapagpangiti ito ng kapwa, kahit paano nabago niya ang buhay ng mga ito, pero mas masarap ang pakiramdam ni Wilbert hindi dahil sa nakatulong ito kungdi kung ano ang naging mga ito dahil sa kanya.
Oo nga, hindi natin puwedeng baguhin ang tao, pero naging dahilan si Wilbert sa pagbabago ng mga ito.
Ang sarap ng may isang Wilbert Tolentino sa panahon na malaking hinaharap na pagsubok ang ating mundo na ang pagtulong ay naka-welding na sa kanyang ulo. Hindi na ‘yun mababaklas ninuman at kailanman. At sana na lang dumami pa ang mga katulad niya.
Kilalanin natin ang grand winners sa mga naunang virtual competitions.
The Queen of Lockdown Transformation 2020- Pagirl / Pahard Challenge (for gay community). Grand Winner (P10,000 plus 1 sack of rice) – Popoy Roxas.
Sir Wil Extreme Cutie Quest Challenge (for families) Grand Winner (P20,000) – Mary Letim Ponce
Online Star Influencer Season 1 (for Social Media Influencers) Grand Winner (P50,000) – Sachzna Laparan
Sir Wil Drag Queen Challenge- The Ultimate Impersonation Contest (for impersonators and entertainers) Grand Winner (P50,000) – Lady Ivana
The Philippines’ Most Beautiful Beki Online Pageant – QUEEN OF bECQi 2020 (for gays and transgender women) Grand Winner (P100,000) – Marianne Crisologo
The King of ECQ Online Search – Ginoong Quarantino 2020 ( for entertainment, ramp, TVC male models/ male pageant aspirants) Grand Winner (P200,000) – Allen Ong Molina.
Online Star Influencer Season 2 (for social media influencers) Grand Winner (P200,000) – Shaina Denniz.
#SirWilOnlineChallenge
#SirWilOnlineMediaChallenge
#WeWillBeatCovid19