May 23, 2025
Hows Ahron, Kakai after two years?
Latest Articles

Hows Ahron, Kakai after two years?

Jul 17, 2018

Sina Ahron Villena at Kakai Velasquez ang mga bida sa pelikulang “Harry and Patty” mula sa Cineko Productions distributed by Star Cinema at sa direksyon ni Julius Ruslin Alfonso. 

Isa itong romantic comedy film, na si Ahron ang gumaganap na Harry, na isang mabait, pero misteryoso ang pagkatao, at si Kakai naman bilang si Patty, na isang TNVS driver.
Hindi makapaniwala si Ahron na bida na siya sa pelikula.

Sabi ni Ahron, “Actually po, sa totoo lang, itong pelikulang ito, hindi ko ini-expect. Pareho kami actually ni Kakai, sa totoo lang.”

Patuloy niya, “Nung in-offer po sa amin ito last December (2017) and may tina-target ‘yung producer na playdate, February o March sana this year. Maraming mga inayos,siyempre nagkaroon din ng mga problema, ganyan.

“Yung producer, gusto kami talaga ang gumawa. Sabi ko nga sa sarili ko, bakit kami? Bakit ako?

“Kasi kumbaga ako, never pa naman akong nagkaroon ng lead role sa pelikula or even sa serye. I’m happy kung ano man ‘yung kinahinatnan ng career ko.

“I’ve been in the business for 14 years. Kumbaga, may mga TV appearances ako, pero hindi ako nagli-lead, puro support lang o mga contrabida roles, pero masaya na ako run.

“Pero at least tumagal ako, sabi ko sa sarili ko.

“And given this kind of opportunity (na magbida sa Harry and Patty), is a blessing. Hindi ko talaga tatanggihan.

“And sabi ko nga, ako pwedeng palitan, pero si Kakai, hindi.

“Pero sabi ko nga, I’m really happy na first major project ko sa big sceen, ay si Kakai pa ang kasama ko,

“Dun sa mga sumubaybay sa amin, sa nangyari sa amin dati (yung awayan nila ni Kakai), uunahan ko na kayo, hindi ito planado.

“Kami ay naging okey ni Kakai nung September (2017). I think birthday po ‘yun ni Freddie Bautista na aming kaibigan nung naging okey kami.

“And then the movie was offered after mga two months pa.

“Nung nag-meeting na kami, dun na ay totoo pala, okay, ayun.

“Siyempre ako, iga-grab ko talaga. Kumbaga, sino ba naman ako para tumanggi. Trabaho, e.

“And okay naman kami na magkatrabaho na ni Kakai.”

After magkaayos sina Ahron at Kakai, naging best of friends na sila. Pero posible kayang ma-inlove si Ahron kay Kakai?

To be honest, hindi ako tumitingin sa panlabas na kaanyuan ng isang tao. As long as nakikita ko na may mabuting puso ‘yung tao, eto kasi mahirap e, baka ma-quote na naman. Ayan nagsalita na naman si Ahron, pa-fall na naman.

“Ako kasi naniniwala ako, na ‘yung love kasi, hindi mo naman mahahanap kung maganda ka, kung ganito ka, kung ‘yan ka, basta nakikita mo na ‘yung taong kaharap mo,kasama mo, e mabuti sa yo, marunong makisama, marunong makiharap, kumbaga ako, hindi ko masasabi, mahirap magsalita ng tapos, to be honest, hindi ko alam.

“But right now, nag-i-enjoy na ako after what happened sa amin two years ago, naging okay kami, maayos kami. 

“I don’t know. We’ll never know kung anong susunod na mangyayari.”

Showing na sa August 1 ang Harry and Patty.

Kasama rin sa pelikula sina Carmi Martin, Heaven Perelejo, Mark Neuman, Bojie Pascua, Donna Liza Salvador, Joe Vargas, Lou Veloso and Soliman Cruz. With special participation of Arci Munoz.

Leave a comment