May 25, 2025
Husay ng Pinoy sa musika, Kikilalanin sa MOR Pinoy Music Awards
Latest Articles

Husay ng Pinoy sa musika, Kikilalanin sa MOR Pinoy Music Awards

Jul 9, 2015

Magsasama-sama ang pinakamalalaking pangalan sa larangan ng OPM sa isang pambihirang gabi ng pagbibigay pugay sa husay ng Pinoy sa musika ngayong Sabado (July 11) sa gaganaping MOR Pinoy Music Awards sa Araneta Coliseum.

MOR-PINOY-MUSIC-AWARDS-LOGO-520x280

Kumpirmadong dadalo o magtatanghal sa naturang pagtitipon sina Vice Ganda, Yeng Constantino, Kyla, Christian Bautista, KZ Tandingan, Enchong Dee, Alex Gonzaga, Jolina Magdangal, Nyoy Volante, Jovit Baldivino, Bugoy Drilon, Liezel Garcia, Karla Estrada, Gimme 5, Morissette Amon, Klarisse De Guzman, Lyca Gairanod, Yumi Lacsamana, JC Padilla, Kaye Cal at marami pang iba.

Darating din ang megastar na si Sharon Cuneta para personal na tanggapin ang espesyal na OPM Lifetime Achievement Award na iginagawad sa Pinoy music icons na malaki ang naiambag sa lalo pang pag-unlad ng Filipino music scene. Noong nakaraang taon, ang singer-composer na si Ogie Alcasid ang pinarangalan ng prestihiyosong award.

Sa pangunguna ng MOR 101.9 DJs, papangalan na rin sa MOR Pinoy Music Awards ang mga nagwagi sa walong magkakaibang kategorya kabilang na ang Song of the Year, Album of the Year, Female Artist of the Year at Male Artist of the Year.

Napili ang mga nagwagi base sa pinagsamang mga boto ng texters, MOR Pinoy Music Awards committee, at piling mga hurado mula sa Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) na kinabibilangan ng VP for special projects na si Christian Bautista, board member na si Jose Mari Chan, at president na si Ogie Alcasid.

Sino kaya ang magwawagi ngayong taon sa MOR Pinoy Music Awards?

Huwag palalampasin ang MOR Pinoy Music Awards ngayong Sabado (July 11), 7PM sa Araneta Coliseum. Manatiling nakatutok sa MOR 101.9 para sa pagkakataong makakuha ng tickets. Para sa karagdagang impormasyon, i-like ang www.facebook.com/MOR1019 sa Facebook o i-follow ang @MOR1019 sa Twitter.

Leave a comment

Leave a Reply