May 23, 2025
Ian Veneracion excited to play Eduardo Buenavista in Pangako Sa’Yo’ remake
Latest Articles Uncategorized

Ian Veneracion excited to play Eduardo Buenavista in Pangako Sa’Yo’ remake

May 25, 2015

Ruben Marasigan
By Ruben Marasigan

Ngayong Lunes ng gabi, May 25, ang simula ng airing ng remake ng ‘Pangako Sa ‘Yo’ na pinabidahan nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales 15 years ago. This time, sina Kathryn Bernardo naman at Daniel Padilla ang nasa lead roles.

Ian_Veneracion-2Kasama sa cast si Ian Veneracion. Ayon sa aktor, malaki raw ang kaibahan ng pag-atake niya sa kanyang role bilang si Eduardo Buenavista sa remake ng iconic tv series na ‘Pangako Sa ‘Yo.’ Ganoon pa man, saludo raw siya kay Tonton Gutierrez na siyang gumanap sa nasabing karakter sa original version nito.
“I think si Tonton did a wonderful job with the original version of Pangako. And I think lang, sa akin ngayon, my interpretation of the character will be given a new treatment,” aniya.
“Before, it was half Eduardo, half Tonton. Now you’ll see Eduardo as half Ian, half Eduardo. I’d like to think that it’s more Ian than Eduardo. I mean… more of me into the character. Excited na nga ako sa pag-portray ng role na ito.”

Hindi raw nalalayo ang character ni Eduardo sa personalidad ni Ian sa totoong buhay.
“’Yung temperament niya, ‘yung disposition niya in life… parang magkalapit na magkalapit kami. Nakaka-relate naman ako sa character. Hindi ko kailangang lumayo sa sarili ko to get into the character of Eduardo. Although iba ‘yung background, pero napakaraming similarities.”

Ano bang ugali ni Eduardo Buenavista?

“Sa first part, maayos na tao ang character ni Eduardo. Disenteng tao pero talo siya ng nanay niya. Alam niya na manipulative ‘yung nanay niya. Pero pinagbibigyan niya. Mapagmahal siya sa pamilya. Maayos siya sa kapatid niya. And then, ‘yun nga… maraming mangyayari. Mabibigat na ‘yung mga na-shoot naming scenes.”

Si Angelica Panganiban ang gumaganap bilang Claudia Buenavista na naunang ipinortray ni Jean Garcia. Jodi Sta. Maria naman will play as Amor Powers na role noon ni Eula Valdez.
Kumustang katrabaho ang dalawa?

“Si Angelica… she’s crazy, but in a good way. And I love her sense of humor. So ang dali-dali kong maging comfortable sa kanya. Si Jodi naman, I’ve worked with her na before at napakabait na tao. Lagi siyang may dalang diet food na lasang balikbayan box!,” nangiting biro ni Ian.
“Lagi niya akong ino-offer na… gusto mo, diet food? Sabi ko… ‘lasang balibayan box na naman ‘yan?’ Kasi kapag diet food, usually wala naman talagang lasa?,”tawa niya.

“Ang daming sumubaybay noong original. And alam kong inaabangan din talaga ito, especially… lalo at KathNiel pa,” pagtukoy ni Ian sa Kathryn Bernardo-Daniel Padilla tandem na siyang bida nga sa remake ng ‘Pangako Sa ‘Yo.’ This is my second project with them (Kathryn and Daniel). The first was ‘Got To Believe.’”

At ikalawang beses na rin daw niya ngayong gumanap bilang tatay ni Daniel. Balitang close na sila talaga ng young actor at maging ng ina nito na si Karla Estrada?
“I’m close to Karla because I’ve known her from way back pa,” dahil pareho silang produkto ng ‘That’s Entertainment’, (isang youth oriented show noon).
Si DJ (palayaw ni Daniel)… of course kahit sa labas ng set you know, sumasama siya sa outdoor activities. Minsan umaakyat kami ng bundok.
“’Yung mga ganoon? So close kami.”

Kung minsan din daw ay nakakapagbigay siya ng mga advice kay Daniel at ang madalas daw niyang naipapayo rito ay tungkol sa pag-aaral. Iyon din daw ang lagi niyang advice sa kanyang tatlong anak.
“Because education is the most important thing you can have. Even acquire.”
Hangga’t maaari raw, hindi niya ini-encourage ang kanyang mga anak na mag-showbiz. Pag-aaral daw talaga ang ipinu-push niyang pagpursigihan ng mga ito.

“I want them to have their own adventure. Like for me, nag-showbiz ako na wala naman akong family sa showbiz.
“Walang padre-padrino. Walang ganyan.
“Kapag ‘yung anak ko nag-showbiz, siyempre… ‘kunin mo naman yung anak ko, di ba? May gano’n?’ So ayoko na magkaroon sila ng ganyan. Gusto ko, sarili nila.”

Totoo ba na may nasabi siya dati sa isang interview na sa showbiz wala kang matututunan?
“Puro kalokohan. Ako, sa showbiz… I mean ang daming temptations. Ang daming traps na puwede kang malaglag.”
Pero sa isang banda, puwedeng meron din daw matutunan sa showbiz as you work with other artists and directors or as you portray different roles. Ito ay kung talagang disiplinado ka raw at dedicated sa pagiging artista.

Leave a comment

Leave a Reply