
“The idea of Aljur being my competitor has never crossed my mind.” – Alden Richards
by Oghie L. Ignacio
New Balance 980 Fresh Foam Trail ni ca-Alden-Richards.jpg” alt=”Aljur-Abrenica-Alden-Richards” width=”347″ height=”331″ />Nagtapos ang 2014 na naging mabiyaya at maganda ang kapalaran ni Alden Richards. Bukod sa pagkakaroon niya ng kauna-unahang album, nakagawa rin siya ng pelikula at mas uminit ang kanyang pangalan hindi lang sa pagiging mahusay sa pagsasayaw thru “Sunday All Stars”. Napansin din ang kanyang galing sa pag-arte kung saan nagkamit siya ng nominasyon sa taunang “PMPC Star Awards For Television” sa kategoryang “Best-Single Performance By An Actor” considering na siya’y neophyte pa nga lang namatatawag.
Pinagtiwalaan din siya ng Kapuso sa isang bayaniseryeng “ILLUSTRADO” na nagampanan naman niya ng buong husay ang karakter ng pambansang bayani nating si Dr. Jose Rizal. Sinubukan din ang talento niya sa hosting kaya pinagsama sila ni Asia’s Song Bird na si Ms. Regine Velasquez Alcasid sa natapos ng “Bet Ng Bayan”.
Higit sa lahat ay ang pagkakataong nakasama niya ang superstar na si Nora Aunor sa short film na “Kinabukasan” ni Direk Adolf Alix Jr. na balitang ilalahok sa Rotterdam International Film Festival sa Europe. Ano nga ba ang masasabi ni Alden sa mga ito.
“Well, I would say that I’m so blessed last 2014,” bungad nito sa Philippine Showbiz Republic (psr.ph) sa grand launching kamakailan ng Board Walk Fresh Start na ginanap sa Luxent Hotel kung saan isa nga si Alden sa signature model.
“And hopeful na this 2015 would be a blessed year pa rin sa akin,” nakangiting sabi pa niya. “Pero lahat ng mga magagandang nangyari sa akin last 2014, utang ko sa mga taong sumusuporta at naniniwala sa akin. Siyempre, sa family namin, sa GMA 7 na talagang hindi ako pinababayaan until now,” sey pa ng guwapong young actor.
Hangad niyang mas mabigyan daw siya ng matitinding palabas ng Kapuso lalo’t may napatunayan naman siya na kayang-kaya niyang umarte ng mahusay kaya nga napansin ng taunang “PMPC Star Awards For TV” na may ibubuga pala siya at hindi lang puro pa-cute ang alam in front of the camera.
“I’m so thankful na binigyan ako ng talent sa acting. Although, for me I still have a lot to do and to prove…sa aking craft. Pero sana nga mas magagandang shows pa ang dumating sa akin this year,” malumanay pa niyang pahayag.
Unang pasabog ni Alden sa taong ito’y ang pagkakakuha sa kanya ng Board Walk Company bilang isa sa signature models nila kaya sa nagkaroon sila ng mini-fashion show sa “Board Walk Fresh Start” launching kung saan rumampa sila sa entablado.
“Nakakatuwa nga na kapapasok palang ng 2015, may kumuha agad sa akin para mag-endorse ng kanilang product ito ngang Board Walk. So, magtuluy-tuloy sana ang blessings natin,” katuwiran pa ni Alden.
Umugong ang balitang magbabalik na raw si Aljur Abrenica sa GMA 7 para ipagpatuloy ang pansamantalang nahinto niyang career. Hindi ba’t sila ang pinagtatapat ng kani-kanilang tagasuporta kung saan naintriga pa sila last year na kesyo may mga proyektong dapat kay Aljur na sa kanya napupunta?
“No problem naman ‘yun sa akin. Wala naman kaming bad blood ni Aljur. Mas marami nga, mas masaya. Mas nauna naman siya sa akin dito sa showbiz. Walang kaso ‘yon sa akin. Good luck sa kanya isa naman siya sa mga original na alaga ng Kapuso bago ako dumating ‘e. So, huwag na nila kaming intrigahin. And for me, gaya ng mga sinabi ko na noon pa, hindi ko inilalagay sa utak ko na magkalaban kami ni Aljur,” pagtatapos pa ni Alden sa aming panayam.