May 25, 2025
‘Idol in Action’ viewership skyrockets amid the pandemic
Latest Articles

‘Idol in Action’ viewership skyrockets amid the pandemic

Oct 22, 2020

Naging bahagi na ng kultura ng Pinoy ang maghanap ng taong kanilang iidolohin o magiging sandigan. 

Sa panahong nagigipit, naaapi o napagkakaitan ng kanilang karapatan, kailangan nila ng idolong magtsatsampiyon sa kanilang kapakanan na patas at walang kinikilingan. 

Dito ang pangalang Raffy Tulfo ay naging simbolo na ng agarang solusyon na kanilang inaasahan.

Hindi matatawaran ang kredibilidad, si Raffy ay nag-ukit na ng kanyang marka sa industriya sa mahigit dalawang dekada niyang pagseserbisyo sa publiko at pagbabalita. 

Naging kilala si Raffy sa kaniyang mabisang pag-aksyon at pagbibigay solusyon sa iba’t ibang isyu ng kanyang mga tagapakinig at manonood sa TV5.

Ang kanyang pagmamalasakit at no-holds-barred persona ang tumutulong sa kanya upang lutasin ang mga isyung panlipunan. Ito rin ang nagbigay sa kanya ng titulong, “Hari ng Public Service.”

Sa ngayon, nasa 16 million na ang followers niya sa kaniyang YouTube channel na Raffy Tulfo in Action at mayroon rin siyang 3.1 million na tagasubaybay sa kanyang aktibong Facebook community.

Ang mabilis na pagdami ng manonood, kasabay ng kanyang kakayahang na magbigay ng magandang balanse sa serious at light segments, ay nagbibigay kay Raffy ng kumpiyansa at paghanga ng milyun-milyong mga Pilipino dito at sa buong mundo.

Ang Idol in Action, na nag-debut sa TV5 at sa One PH noong June 8, 2020, ay isang pang araw-araw na programa na nagbibigay-serbisyo sa publiko. 

Nagbabahagi rin ito ng mga kwentong relatable, insightful, at kapaki-pakinabang sa masa. Ang show ay may natatanging format na umaakit sa isang mahusay na balanse ng empatiya sa lipunan kasama ang mga masasaya at magagaan na mga segment.

Tinutugunan nito ang mga problema at pagmamalasakit sa iba’t ibang paraan, kasama rin ang pakikipag-ugnayan ng mga host sa mga tanggapan at ahensya ng gobyerno.

Sa segment na “Tulong ni Idol,” ang programa ay nagbibigay-tulong sa mga nanonood, sumusulat, at tumatawag tungkol sa kanilang personal na kalagayan, at maaaring makatanggap ng Php5,000 to Php50,000.

Ang mga video clips na ito ay inilalagay din sa Facebook Group ni Raffy upang makita ng  mga  may mabubuting loob na gustong magpaabot ng kanilang tulong sa mga mas nangangailangan.  

Kasama ni Raffy na nagbibigay saya at tulong sa programa na ito ang kaniyang Liga ng mga Taga-Serbisyo Publiko.

Ang mga co-host sa Idol in Action ay sina MJ Marfori at Marga Vargas, na parehas na kilala ang husay sa larangan ng hosting at pagbabalita.

Tutulong naman si Marga sa mga isyung pag-ibig, pagpapatuloy at pagsisimula ng panibagong buhay sa kaniyang segment na “Taray Nyo Teh, Tikas Nyo Tol.”

Ibabahagi naman ni MJ ang mga bagong balita tungkol sa mga celebrity sa segment na “Hola!” at siya rin ay magiging in-show social media mood checker sa MJ’s Timbangan. 

Kasama rin sa Liga ng mga Taga-Serbisyo Publiko ang mga segment hosts ng programa na sina: Maricel Tulfo, anak ni Raffy Tulfo na siyang namumuno sa segment na “Sinimulan mo, Tatapusin ko!” kung saan siya ang maghahatid ng konklusyon sa mga hinawakang kaso ng programa.

Si Kapitana Carol Domingo naman ay nasa segment na “I-tag mo, Pasisikatin ko!” kung saan tinutulungan ng programa ang mga nag-post ng kanilang problema sa sa social media.

Si Hannibal Talete naman ang host ng segment na “Hani ng Bayan,” isang off-site show correspondent na kumukuha ng opinyon sa mamayang Pilipino patungkol sa paksa ng programa.

Samantalang si Roda Magnaye naman ay parte ng “Itimbre Mo Kay Idol!” segment kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay nagbabahagi ng kanilang problema kay Raffy on-air. 

Kaya naman gawing parte ng inyong pang-araw-araw ang Idol in Action simula Lunes hanggang Biyernes, 10:30 am., sa TV5 at sa One PH na mapapanood sa Cignal TV at SatLite CH. 01.

Mapapanood din ang replays ng mga episodes sa Raffy Tulfo in Action sa YouTube.

Leave a comment