
I’m a very bad husband—Jaime Fabregas
He doesn’t age. The way he speaks; his truthfulness, his life mantras. But he knows he’s old, he’s afraid of death. But life goes on. Chilling, drinking beer, watching Netflix series, portraying roles—I sitdown with veteran actor now a food business owner Jaime Fabregas and he talks about his “noon” and “ngayon.”
Gabi-gabi ay napapanood si Jaime o Jim (kung tawagin ng mga taong malalapit sa kanya) sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang police. Tubong Bicol. Nagsimula sa teatro. Nainlab sa pag-arte. Nag-score ng mga pelikula. Award-winning. Isang ama, asawa, lolo, artista, at business owner. On and off cam, he tells us his story.
“I’m just a regular person, trying to earn a living.”
GANITO S’YA BILANG AMA
Sa kanyang unang asawa, nagkaroon s’ya ng tatlong anak at sa pangalawang asawa, apat naman ang kanyang anak. Kung paano nya minahal at inalagaan ang kanyang mga anak, ay nagbunga ng maganda. Lahat sila ay may kani-kaniyang karera. Mayroong commercial director, ang isa ay naging artista, ang isa ay nagtatrabaho sa isang advertising agency, ay isa sporty at mahilig mag surf.
Hindi man nagkikita palagi, he makes sure na makakasama nya ang kanyang mga anak every Sunday. Manonood ng sine, o kakain sa labas.
Kung sa telebisyon ay iba’t ibang mukha ng ama ang kanyang ipinakita, iisang mukha naman sya para sa kanyang mga anak—ito ay ang isang maunawain at laging naka suporta sa kanilang lahat.
“I cannot consider myself as a good father. You do what you get. Hindi mo naman talaga pwedeng makontrol ang buhay ng mga anak mo. May sarili silang buhay at hindi na sila mga bata.”
GANITO S’YA BILANG ASAWA
He was married twice. Annulled. At ngayon ay may partner sa loob ng 17 years. Para sa kanya, mahalaga ang respeto. At nagkakaunawaan. He admits he’s not a good husband but that doesn’t define him as a person.
“I’m a very bad husband.
“Hindi naman bad. Para sa akin ang relationship should be based on mutual respect.
“Mayroon nga akong sinasabi na love without compassion, without kindness, without respect is another four-letter word.
“Respetuhin mo lang.”
GANITO S’YA BILANG ARTISTA
Sa dinami-daming roles na kanyang nagampanan, at sa tagal na nya sa industriya, he always makes sure na pinaghahandaan nya ang lahat ng mga ‘yun. At ang importante para sa kanya ay ang background ng character.
“Importante sakin na gumawa ako ng “past.” Kasi, ang feeling ko, is that, lahat tayo, is a combination of a past. Lahat tayo is something na we are now because of what we were, or what we went through. There’s no animal such a person, we just came out now na walang past.
“Ang mahalaga sakin, gawan mo ng kwento ‘yung character mo para buo, hindi sya flat.”
SPECIAL TALENT THAT PEOPLE DON’T KNOW
Kung ang alam ng karamihan ay nagsimula s’ya bilang artista sa teatro, ibinahagi nya na naging miyembro sya ng dalawang banda noong 70’s. Ang unang banda ay ang Genesis. It’s a jam band.
“I’m an open book. A lot of people don’t know that I used to play in a band in the 70’s. I used to sing and to play the guitar. ‘Yun ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ako ng interest sa music na nagkaroon ako ng pagkakataon na mag score ng mga pelikula.”
FIRST TV SHOW
Unang sinubukan nya ang pag-arte sa teatro noong sya ay nag-aaral pa. Nakasama pa nya si Leo Martinez sa La Salle bilang moderator ng isang acting workshop. Na-discover sya ni Peque Gallaga. Nabigyan ng projects. Masaya nyang binalikan ang kauna-unaha nyang tv show titled “The Fabulous Gamboa Show” noong 1969 na isang weird show.
“It was fun. Bata kami lahat. Malakas ang energy.”
FIRST MOVIE
Award-winning film Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon—his first film that he considers. Sobrang iconic. Sobrang saya ng experience.
“Director Eddie Romero saw me in a play.
8 am ang call time sa Majayjay Laguna. Syempre, wala pa akong kotse noon. Susunduin ako sa may Magallanes ng 4 am. Direk Eddie said have breakfast. Get ready. Ready na ako. Kinunan ako alas sais ng hapon. ‘Yun ang sinasabi kong baptism of fire. I had fun kasi kung hindi, hindi ko itutuloy.”
FAVORITE STARS
Marami syang hinahangaan pagdating sa pag-arte. Ang ilan sa kanila ay naging matalik nyang kaibigan. Nakikita nya kasi ang authenticity nila bilang artist at ang pagiging open nila. Ilan sa mga nabanggit nya ay sina Joel Torre, Ronnie Lazaro, Pen Medina, at Dido dela Paz.
GANITO S’YA NOON AT NGAYON
Noon pa man ay hindi pumasok sa kanyang ulo ang pagiging sikat at pagiging isang mahusay na artista. Kahit ilang trophies na ang kanyang naiuwi sa larangan ng acting at scoring, walang bahid ng pagtataas ng kilay. Ang pag-arte ay isang trabaho. Hindi isang kayamanan. Wala raw syang pakialam kung mawala sa kanya ang fame.
“Hindi ako mashowbiz. I don’t like attending mga gathering sa showbiz.”
GANITO S’YA KAPAG BORED
“Sa Netflix mas marami kang pagpipilian.
I like watching documentaries especially historical or bagong findings.”
GANITO S’YA KAPAG BAGONG GISING
“When I remember, I pray.”
Tip:
“Pag gising mo, ‘wag ka kaagad tatayo kasi maraming nangyayari, bumabagsak or nahihilo. For 30 seconds, higa ka lang muna, bilang ka ng 30. Tapos punta ka sa side, nakahiga pa rin, bilang ka ulit 30. Umupo ka dahan dahan, bilang ka ulit ng 30. Saka ka tumayo.”
RETIRING?
“Marami nga nagsasabi sakin, di ka pa ba magreretire, sabi ko bakit naman ako magreretire. Hanggang kaya pa ng katawan ko at malusog pa ako. Nakakalakad pa ako, nakaka-memorize pa ako ng mga linya, bakit ako hihinto.”
GANITO ANG KANYANG PAYO
“You have to be generous. Do not be selfish kasi acting is reacting. Kung hindi ka generous, wala kang makukuha, sya wala ring makukuha sayo. ‘Wag masyadong mayabang. ‘Wag ka mag-isip na alam ko na ang lahat. Kapag sinabi mong alam mo na ang lahat, katapusan mo na ‘yun. Be open. Value criticism. Wag kang magalit if people are criticizing you. Pakinggan mo. Then if you don’t agree, you explain. Mag-aral. Manood ka ng mga pelikula. Trust your instincts.”
TAKE IT!
“If you want to be happy, never ask yourself if you’re happy or not.”