May 22, 2025
“I’m back to sing again and I wish to inspire people through my music.” – Arnee Hidalgo
Latest Articles Music

“I’m back to sing again and I wish to inspire people through my music.” – Arnee Hidalgo

Mar 25, 2015

 

mildred@bacud

by Mildred Bacud

arnee-hidalgoMatapos ang isang dekadang pamamahinga sa recording scene, nagbalik si Arnee Hidalgo via “ The Voice of the Philippines,” bilang contestant. Unfortunately ay hindi siya umabot sa finals night pero hindi naman naging hadlang ito sa pagbabalik niya sa industriya. Nakausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR.PH) si Arnee sa MTV shoot ng latest single niyang “BYS” (Be Yourself)  last March 20, Friday. The song was written by her brother Jeffrey na siya ring director ng nasabing MTV.

Kinumusta muna namin siya pagkatapos niyang sumali sa The Voice…

“Okay naman. You know there can only be one winner.  Ang maganda lang dun maraming nabuksan na opportunities for each of us.”

Paano siya nakumbinsi na sumali sa The Voice? Nang makausap namin si Jeffrey,  sinabi nitong siya talaga ang nagpursigi na i-try ito ng kapatid.

Arnee Hidalgo“ Gusto ko naman.  Fan ako nung show pero may fear rin talaga lalo na na hindi naman ako yung usual na belter.  Of course anything can happen sa isang competition,  sabi ko parang risky siya for me but anyway  I gave it a shot.  Once I decided naman to be part of the show I give naman my 100 hundred percent.”

“ Paano nga ba ako niya ( Jeffrey) na-convince?,  Sinabi niya sa akin na wala naman mawawala. Try something new.”

Pero sumama ba ang loob niya sa pagkakatanggal sa kanya?

“ I think initial reaction naman kahit kanino.  In my case, nung una I felt a little sad, siyempre when you join naman something you really hope for the best , pero siyempre natanggap naman kaagad.”

Ilang years siyang nagpahinga sa showbiz?

“ Almost a decade pero hindi naman talaga totally na nawala ako pero lie low lang din ako sa projects, waiting sa right time.”

“ Sa first album ko kasi I got pregnant, sa second child ko naman,  I pursued my studies .  I’ve finished BSB Finance. Kasi hindi ko rin naman natapos  yung college ko nung 2009, kaya may ginawa rin naman ako while not singing.

After  The Voice, magtutuloy tuloy na ba ito?

“ Hopefully. I have given much time naman for my family kaya lahat sila sa very supportive sa akin. Maluwag naman talaga sa kalooban ko ito;  besides being my passion and  I have my family na very supportive sa akin.”

Ano ang pagkakaiba ni Arnee noon at ngayon?

“ Ngayon more mature. Gusto ko talaga, not just to share my music but to inspire through my music. So this song is about woman empowerment.  I’d like to inspire women.”

Napansin ang talent ni Arnee no’n nang manalo siya ng Silver Prize at napiling  Most Beautiful Contestant sa The Voice of Asia sa Kazakhstan taong  2002. Ang kanyang album na Cold Summer Night no’ng 2003 ay naging big hit, making her Campus Radio 97.1 OPM Artist of the Year.  Nanalo rin ang nasabing awitin bilang Song of the Year, Magic 89.9 ER Awards, Best Remake, Candy Rap Awards Best New Artist 2004, at Meg Magazine Breakthrough Artist, 2004.

Follow me…

social networkingMildred Bacud
@dredzbacud
/mildredamistadbacud

Leave a comment

Leave a Reply