May 23, 2025
“I’m confident that people will be able to relate to my music.” – Alex Gonzaga
Music

“I’m confident that people will be able to relate to my music.” – Alex Gonzaga

Mar 27, 2015

Ruben Marasigan
by Ruben Marasigan

Her time has come para mamayagpag na nang husto. Ganito ang sinasabi ng marami kaugnay ng magandang itinatakbo ng career ni Alex Gonzaga sa ngayon. Bukod kasi sa fantaseryeng Inday Bote na pinagbibidahan niya sa ABS-CBN na consistent ang nakukuhang mataas na ratings, meron din siyang ipinu-promote na album ngayon na I Am Alex G under Star Music.

Screen-Shot-2015-03-03-at-9.47.29-AM

“Six cuts siya pero lahat ng ito, magiging single,” ani Alex na ang ibig sabihin ay iri-release din bilang single lahat ng anim na kanta niya sa nasabing album. Nauna nang ini-release ‘yong awitin niyang Panaginip Lang. At ngayong Marcch 23, Friday, ay magpi-premiere naman ang music video nito sa MYX at sa You Tube.

Marami raw ang makaka-relate sa anim na kantang nilalaman ng album ni Alex. Sa aspetong ito ay kompiyansa raw siya. “Yung song na Panaginip Lang, tungkol ito sa… ‘yung feeling mo na parang meron kang gustong tao na sobrang gustong-gusto mo. Tapos feeling mo hindi ka niya magugustuhan. And then magugulat ka na lang one day, paggising mo, kayo na pala.

“Yung Hindi Ko Akalain naman, tungkol sa… ang akala mo, never ka nang makaka-move on sa lalaking ‘yun. And then you see him at na-realized mong wala na, hindi mo na pala siya gusto. Or ‘yun bang… may mga ex na bumabalik-balik. Pero feeling mo, deadma ka na.”

‘Yung kanta naman niyang Boyfriend, what is it all about?

“I wrote the lyrics of that song. Ito ‘yung mga ginagawa ng lalaki sa simula, na sinusundo ka at hinihintay ka pa. Pero kapag nagtagal na kayo, hindi na kayo halos magkita. Tapos sasabihin niya, gusto niyang maka-hang out ang friends mo. Pero ang ending puro naman laging friends niya ang kasama n’yo.”

“Yung Kung Ayaw Mo naman… kung ayaw mong mag-stick to one at hindi mo kayang panagutan, then ayaw na kitang maging boyfriend. Out ka na sa life ko. Huwag ka nang manligaw.”

Totoo bang there was a point na parang ayaw na niyang kumanta because naku-concious siya sa Ate niyang si Toni Gonzaga na bukod sa pagiging actress-TV host ay isang recording artist din?

“Hindi naman sa naku-concious, nagpapaubaya lang!” natawang biro ni Alex.

“Kasi ‘yung Ate ko talaga, focus siya pagdating sa… like kapag sinabi ng daddy ko na mag-practice siya, talagang super-practice siya. Ako naman, ang gusto ko lang… fun-fun lang na pagkanta.”

Excited din si Alex para sa nalalapit niyang concert. Ito ay ang AG From The East: The Unexpected Concert at the Araneta Coliseum on April 25.

AG-from-the-East

Sino ang nakaisip ng title ng kanyang concert?

“Yung AG From The East, ako mismo. Gusto ko ‘yun… Alex Gonzaga from Taytay East. And then… Unexpected, kasi no one expected this. But it’s happening. So I want the people to hope for the best but expect nothing!” biro niya ulit.

Leave a comment

Leave a Reply