May 24, 2025
“I’m excited and happy to be working again for ABS-CBN!”–BING LOYZAGA
Latest Articles

“I’m excited and happy to be working again for ABS-CBN!”–BING LOYZAGA

Mar 16, 2015

Rommel_Placente

by Rommel Placente

BALIK ABS-CBN 2 si Bing Loyzaga pagkatapos mag-lapse ang kontrata niya sa Kapatid network at hindi na siya nag-renew dito. Kasama siya sa “Wansapanataym Presents: Yamishita’s Treasures” na pinagbibidahan nina Coco Martin at Julia Montes na mapapanood tuwing Linggo ng gabi simula sa March 22.

bing

“For a change, mabait ako dito,” natatawang kuwento ni Bing tungkol sa kanyang role

Patuloy niya,“Kaya ko naman palang maging mabait, eh. Nasa teritoryo ako ng mga engkanto and it’s a fun role for me,” .

bing 02Nakadagdag din daw sa excitement ni Bing sa Wansapanataym na magagaling ang mga co-stars niya rito.

“Nakaka-excite kasi ang gagaling nila, ng mga katrabaho ko. So yung gana mong magtrabaho andon kasi excited kang gumising ng maaga para pumunta sa set,”

Ipinaliwanag ni Bing kung bakit hindi siya naging visible sa telebisyon lately.

“Hindi naman sa nawala, it’s just that I was tied up in a different company for three years. Wala lang talagang project that time, I’m just happy to be back sa ABS.”

Natapos naman daw nang maayos ang kontrata niya sa TV5.

“We’re both happy with the decision, pero walang bad blood,” paglilinaw pa ni Bing

Ayon pa kay Bing, very comfortable siya sa muling pagtatrabaho sa ABS-CBN.

“It’s nice to be doing projects with artists na hindi mo nakakasama nang matagal, ‘di ba? And at the same time, it’s nice to have project din ‘di ba? Kasi kahit guaranteed contract yung sa akin dati, unfortunately, hindi naka-produce ng maraming shows, so it’s nice to be active again, that’s the excitement.

“Pagbalik ko dito sa Dos, siyempre iba rin kasi kilala mo na kaagad yung mga tao. I’m not saying na TV5 didn’t care for us, they did, pero siyempre, nangingilala ka sa ibang tao do’n. Iba yung pagbalik mo, may kakilala ka na at kilala ka na,” paliwanag pa ng aktres.

Natutuwa naman si Bing na gaya niya ay bumalik na rin sa Kapamilya network si Sharon Cuneta.

“She deserves it. She deserves to be home. Well, ano lang naman yan, eh. After a while, kailangang mag-break, magbabakasyon ka for a while pero babalik at babalik ka rin sa bahay mo,”

“So, alam ninyo na kung bakit kami friends? Pero ganu’n kasi ‘yung pakiramdam talaga,” masayang sabi pa ni Bing bilang pagtatapos.

Follow me…

social networkingRommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente

Leave a comment

Leave a Reply