May 22, 2025
“I’m so happy because Daniel and I have finally kissed and made up.”-Vice Ganda
Latest Articles This is it!

“I’m so happy because Daniel and I have finally kissed and made up.”-Vice Ganda

Mar 24, 2015

Rommel_Placente

by Rommel Placente

Naayos na ang tampuhan sa pagitan nina Vice Ganda at Daniel Padilla nung magkita sila ng hindi inaasahan last Wednesday, March 18, ng alas onse ng umaga sa isang embassy. Noong araw ding ‘yun ay nag-post si Vice ng message sa kanyang Twitter account tungkol sa pagkikita nilang ‘yun ni Daniel.

Ayon sa post ni Vice, “Really happy to see @imdanielpadilla this morning. Isang mahigpit na yakap lang at lamukos ng mukha, ayos na ang lahat. Tinginan lang gets na!

Daniel Padilaa

Noong nasa “It’s Showtime” na si Vice nu’ng araw ding iyon ay sinabi niya na isang buwan silang hindi nagpansinan ni Daniel dahil sa nangyaring insidente sa pagitan niya at ng ilang fans nina Daniel at Kathryn Bernardo.

“Ang saya ko kasi nagkita kami ni Daniel Padilla sa embassy. “E, ‘di ba, nag-aartihan kami lately ni Daniel? Mag-iisang buwan na kaming hindi nagpapansinan. May samaan kami ng loob. Kanina nagkita kami tapos nagyakapan kami. Ang saya-saya lang. Bati na kami ulit. Love, love, love na kami ulit ni Daniel!” masayang sabi ni Vice sa kanilang programa.

For the record, nag-ugat ang tampo ni Vice kay Daniel nung i-bash siya ng mga fans ng loveteam nila ni Kathryn dahil sa diumano’y maiksing exposure ng dalawa sa show niyang “Gandang Gabi Vice” nung nag-promote ang mga ito ng pelikula nilang “Crazy Beautiful You”. Hindi matanggap ng fans na sandali lang nilang napanood sina Daniel at Kathryn kaya binash nila si Vice na sinagot naman sila ng komedyante sa pagsasabing, “Di na nga nagpasalamat, nagalit pa..”

Jennylyn Mercado did not show up at Patrick Garcia’s wedding

Dumalo kami sa kasal nina Patrick Garcia at Jessica Nicole Martinez na ginanap nung Saturday, March 21 sa Blue Leaf Filipinas, Paranaque. Ang anak ni Patrick kay Jennylyn Mercado na si Alex Jazz ang tumayong ring bearer sa kasal.

patrick
Photo credit: Niceprintphoto

 

Dumating ang bata sa kasal ng ama na ang tanging kasama ay ang kanyang lola, ang mommy ni Jennlyn na si mommy Lydia. Kahit sinabi noon ni Jennylyn sa mga interviews niya na dadalo siya sa kasal ni Patrick dahil kaibigan niya na si Nicole,ay no show pa rin ito sa okasyon.

Ang sinabi na kanyang ina ay may taping siya nung araw na ‘yun kaya hindi siya nakarating.

Mabuti na rin na hindi nakarating sa kasal si Jennylyn baka kasi kung nandun siya ay maging sentro lang siya ng usapan ng mga bisita ni Patrick.

Siyempre, hindi malayong hindi siya mapag-usapan dahil nga nakarelasyon niya si Patrick, di ba?

Patrick 1

Anyways, llan sa mga bisitang artista na nakita namin sa kasal nina Patrick at Nicole ay ang dati niyang ka-loveteam na si Paula Perelejo, Antoinette Taus, Kitkat, Jacquie Rice, Alex Medina, magkapatid na Bernard at Mico Palanca at Zanjoe Marudo.

 

Leave a comment

Leave a Reply