
“I’m happy to be working again with Coco Martin. He makes me feel secured and being with him is always a new learning experience.”–Julia Montes
by Arsenio “Archie” Liao
Marami na silang pinagsamahang projects ng Kapamilya Primetime King at Urian award-winning actor na si Coco Martin pero para kay Julia, iba si Coco sa mga leading men na nakatrabaho niya.
“Pakiramdam ko kasi, secure na secure ako sa kanya. Kapag nandiyan siya, ramdam na ramdam mo na babae ka. Iyong inaalagaan talaga niya ako, hindi lang on camera at maging off camera. Napaka-gentleman niya at talagang ipararamdam niya sa iyo kung paano siya mag-care”, kumpisal ni Julia.
Sinabi ni Coco na ikaw lang ang ikinu-consider niyang legitimate na ka-love team. Anong masasabi mo rito?
“Nasisiyahan ako na gaano na kalayo ang narating ng CocoJul. Bunga na rin siguro ito ng ilang beses naming pagsasama sa pelikula at telebisyon. Kumbaga, iyong sa amin ni Coco, may foundation na at hindi na iyon mabubuwag,”esplika niya.
Personal choice ka ni Coco para maging leading lady muli sa Wansapanataym Presents “Yamishita’s Treasures”. Hindi kaya, ni-request ka ni Coco dahil na-miss ka para magkasama kayong muli after “Ikaw Lamang”?
“Masaya ako na makasama siyang muli. Parang learning experience sa akin, everytime na makakatrabaho ko siya. Nakaka-miss talaga dahil iyong pagiging kumportable namin sa isa’tisa ay parang nakasanayan na namin. Iyon bang parang hinahanap na namin ang pakikipagtrabaho sa isa’t-isa lalo pa’t iyong mga pinagsamahan at ginawa namin ang nagbigay sa amin ng mga awards”, sey niya.
Ayon pa kay Julia, hindi lang isang ka-love team ang turing niya kay Coco kundi isang tunay na kaibigan.
“Siya iyong guide ko na nagbibigay sa akin ng advice. Alam mo naman, deaf-mute ang Mommy, tapos iyong Lola ko ay tutok sa kanyang mga negosyo. Suwerte ako dahil siya iyong nag-ga-guide sa akin”, pagtatapos ni Julia.
Si Julia Montes ay gumaganap na isang diwata na napadpad sa daigdig ng mga mortal nang manganib ang kanilang kaharian.
Sa mundo ng mga mortal, makakatagpo niya si Yami, isang treasure hunter na ginagampanan ni Coco.
Ang Wansapanataym Presents “Yamishita’s Treasures” ay mapapanood tuwing Sabado simula sa Marso 22 sa Kapamilya network.