May 22, 2025
“I’m an instant dad to begin with. My partner had kids before we even got together. But it was true love because it was the choice that I made.” – Gabby Eigenman
T.V.

“I’m an instant dad to begin with. My partner had kids before we even got together. But it was true love because it was the choice that I made.” – Gabby Eigenman

Mar 23, 2015

by Ruben Marasigan

Pagkatapos magbida sa Dading, title role ulit si Gabby Eigenman sa bagong serye ng GMA na InstaDad. Excited daw ang aktor dahil isa na namang magandang project ito para sa kanya.

“The story is about parenthood pa rin pero lalaki naman ako this time,” aniya nang makausap namin sa taping ng Celebrity Bluff.

“I play the role of a chef. Tapos meron akong naging girlfriend na nabuntis ko. Pero ‘yong kapatid ng girlfriend ko, tutol sa amin. Inilayo siya sa akin. Tapos nalaman ko na buntis siya na… triplets. After 15 years, nakilala ko ‘yong tatlong mga anak kong iyon.”

Nata-type cast man siya sa mga daddy roles, natutuwa pa rin daw si Gabby na hindi siya nawawalan ng trabaho. Masaya rin siya hindi basta support lamang kundi bida nga sa siya sa magkasunod na serye niya sa Kapuso Network.

“For me work is work. And at the same time, malaki naman ang tiwala ko sa GMA, e. Bukod nga rito sa InstaDad, kasama rin ako sa cast ng Pari Koy. Pero medyo bad ang role ko do’n,” pagtukoy niya sa primetime series na pinagbibidahan naman ni Dingdong Dantes.

“Sobra-sobra pa sa inaasahan ko ang blessings na dumating dahil dalawang shows nga. So… I can’t ask for anything more.”

“At saka okay rin sa akin ang mga father roles. No’ng ginawa ko noon ang Dading, ipinakita do’n na being a parent doesn’t need a specific gender. It’s a matter of how you protect, how you love, and how to take care of a child.

Dito sa InstaDad, gano’n din. Whether you lost time do’n sa fifteen years para kilalanin at alagaan ang mga anak ko dito, there’s always a way to compensate or to get to know them better. Kasi ang pinaka-issue na tina-tackle namin sa istorya ng InstaDad is how to become a parent to teenagers. Pati mga issues nila like teenage pregnancy at iba pang bagay about being a teenager and ‘yong relationship between them and their parents.”

“Madali akong naka-relate do’n sa role ko kasi I have four kids, e. Tapos ‘yong tatlo do’n e halos teenagers na rin.”

In real life, mayroong isang babaeng anak si Gabby. Dito naman sa story ng InstaDad, triplets na babae ang anak niya.

Mahirap ba gampanan ang role bilang tatay ng tatlong babae?

“I don’t want to say it’s easy. Pero mas kaya kong intindihin ang pagiging daddy sa kanila. Sana hindi na maging mahirap sa akin na i-portray ang role ko sa buong panahon na magti-taping kami. Kaya lang tatlo nga sila na iba’iba ang personalities. Doon iikot ang takbo ng kuwento.

How will I handle ‘yung mga anak ko na triplets. Sila si Mayumi na eldest and portrayed by Ashley Ortega. Simple at pinakamatalino na medyo may pagka-maarte pero siya ‘yong prim and proper.”

“Yong pangalawa naman ay si Marikit na ginagampanan naman ni Gabrielle Garcia. Siya ‘yong boyish type na medyo adrenalin junkie na mahilig sa sports at parang lalake kung kumilos. Tapos ‘yong si Maaya portrayed by Jazz Ocampo, sobrang kikay. Laging nagpapa-picture at laging nasa social media.”

Wala ba siyang magiging partner o love interest dito sa InstaDad bukod do’n sa namatay na nanay ng triplest na anak niya?

“Sa story, meron akong girlfriend na beauty queen. Pero hindi pa alam kung sino dahil naghahanap pa lang kung sino ang bagay for the role.”

Sa totoong buhay ay hindi lang ideal si Gabby bilang daddy kundi bilang husband din. Nananatiling tahimik at masaya ang pagsasama nila ng misis niya na si Apples. Sa katunayan ay magsi-seventeen years na sila.

Ano ba ang sikreto ng matatag na relasyon nilang mag-asawa?

“I guess that’s the only thing na private sa buhay namin, e. I maybe a public figure pero as much as I can, hindi ko ipinapakitang… hindi ko gusto na pinag-uusapan ‘yong sa family ko especially my kids.

“Hindi naman sa ano…. Kasi iyon lang ang private sa akin.”

Siguro kung artista ring gaya niya ang kanyang naging asawa, hindi naging gano’n katahimik at solid ang pagsasama nila.

“Well… siguro. It takes two to tango, you have to make it work, e.”

During his younger years, siguradong naging sobrang lapitin din siya ng mga babae. Was there a time ba hindi siya naka-resist sa temptation?

“Pinagdaanan ko ‘yong gano’n. Pero hindi ako na-tempt!” sabay ngiti ni Gabby. “It was a choice, e. It was a very difficult choice that I made.

“Kasi siyempre when I was younger, ‘yung partner ko ngayon, before we even got together, she had two kids already. I was a bachelor, so I was an instant dad to begin with, e.”

“But for me it was really true love. Parang hindi naman naging hindrance na porke may anak na siya…hindi mo na puwedeng mahalin, diba? So for me it was a choice that I made.”

Ang half brother niyang si Sid Lucero na pinakahuling naugnay kay Alessandra de Rossi at pinsan niyang si Geoff Eigenman na ex-boyfriend naman ni Carla Abellana, parang pareho pa silang nahihirapan na makatagpo ng true love o right one na makakatuluyan nila.

“Well ano kasi sila, e… they’re on a certain age na they can settle anytime. Pero they want to be really sure, they want to be ready.Yun naman ang importante do’n. Hindi naman kailangang magmadali. Hindi naman na they’re wasting their time. Pero time will come,” panghuling nasabi ni Gabby.

Leave a comment