May 23, 2025
“I’m no one day millionaire. I’m saving up for the future that’s why I spend my money wisely.” – Alden Richards
Latest Articles

“I’m no one day millionaire. I’m saving up for the future that’s why I spend my money wisely.” – Alden Richards

Mar 24, 2015

vance @madrid
by Vance Madrid

Alden Richards 7 Bibihira lamang sa ating mga artista ang bata pa lang ay iniisip na agad ang kanilang future. Nalalaman nila na ang showbiz ay hindi maituturing na panghabangbuhay. Isa na marahil ang Kapuso hunk actor na si Alden Richards na masasabi nating gumagawa ng paraan upang matupad ang kanyang mga pangarap. Nakabili na si Alden ng ilang properties na ‘investments’ na matatawag. Ang huli nga niyang nabili ay yung isang bahay at farm sa Batangas. Bukod dito’y nakabili na rin siya ng isang bahay sa Nuvali, Laguna na may 300 square meters at may limang silid.

“Hindi po biro ang pagbili ng mga properties, malaki po kasing pera ang kakailanganin para makabili ng mga ito. Ngunit ako po ay nagpapasalamat na patuloy na dumarating sa akin na blessings at projects sa trabaho,” simulang kuwento pa ni Alden sa PSR.

“Noong umpisa, medyo kabado po ako na bumili ng properties kasi nga it involves millions, pero naisip ko na hindi ko malalaman kung kaya kong magkaroon nito kung hindi ko masusubukan.”

Sa kasalukuyan, malapit nang matapos ang renovation sa naturang bahay na nabili ni Alden.

Ano bang nagbigay sa kanya ng ideya na bumili ng mga bahay?

“Maliit po kasi yung bahay namin dati at palaging binabaha. Kaya po as much as possible, gusto ko sana na hindi na naming muli maranasan yung ganun. We also used to rent, siyempre kahit anong bayad naming monthly, hindi naman magiging amin yung bahay kaya mas maganda na yung nagbabayad ka nga pero magiging property mo naman one day.”

“Lahat naman po tayo may sariling dream house na kung papalarin tayo sa buhay, gusto nating mapasaatin. Nangarap lang po ako at since I’m blessed with good projects, good people around me and good income, nagtipid po ako para mabili ko yung mga bagay na ganito na dati po ay isang pangarap lang. Excited na nga po akong matapos yung renovation nung bahay sa June.”

Ano bang sikreto niya na nagawa niya ang mga ito?

Kuwento pa ni Alden, “Hindi naman po ako one day millionaire. Matipid po talaga ako lalo na sa sarili ko. Pero yung matipid na alam mong may pinaglalaanan at hindi yung mga kapritso lang. Minsan nga paulit-ulit na lang po yung mga medyas ko, natatawa ako. Buti nga may mga sponsors ako eh, kung wala baka po mas mapapansin ninyo yun.”

Baka naman may balak na siyang magpakasal kaya’t bumibili siya ng mga properties?

“Ah, wala pa po. Wala pong oras para sa pag-ibig. Yun ang kapalit ng pagsisikap magkabahay,” natatawang sabi ni Alden.

Sa April 20, aalis si Alden kasama ang dati niyang leading lady sa teleseryeng Carmela na si Marian Riviera papunta ng US at Canada para magtanghal sa GMA Pinoy TV. “Nito ko lang siya (Marian) muling makakasama pagkatapos ng kanyang kasal. Masaya ako na makasama ulit si Marian at makumusta yung mga Pinoy fans na naninirahan doon. I’m sure it’s going to be fun.”

Leave a comment

Leave a Reply