
“I’m not allowed to march on my high school graduation.” – Jake Vargas
Kawawa naman pala ang Kapuso young actor na si Jake Vargas. Kung ang ilang kapwa niya artista ay kabi-kabila ang post ng kanilang mga graduation pictures sa kanilang social media accounts, si Jake ay hindi pinayagan ng principal ng kanyang eskuwelahan na dumalo sa kanilang graduation rites.
“Malungkot ako ng konti kasi hindi nila (school authorities) ako pinayagan pumunta sa sarili kong graduation. Pinakiusapan kasi ako ng principal namin,” sabi ni Jake.
Nakatakda pa naman sanang mag-martsa si Jake sa New Cabalen High School sa Subic kung saan siya nag-aral ng sekondarya. Ayon pa sa actor, natatakot kasi ang kanilang principal na baka siya’y pagkaguluhan kapag siya’y pumunta sa nasabing graduation. Nagkaroon kasi ng commotion nang kumuha si Jake ng modules niya sa school.
Bagamat hindi maituturing na isang regular student ang actor sa nasabing paaralan, dito siya kumukuha ng mga modules para sa kanyang pag-aaral.
Nanghihinayang man si Jake na hindi niya mararanasan magmartsa gaya ng ibang nagtapos ng high school ang mahalaga’y natapos naman niya ito.
Ayon pa rin sa aktor, naiintindihan naman niya ang kanilang principal kaya’t pumayag na rin ito na hindi dumalo. Aniya, “Siguro ito kasi yung kailangan kong isakripisyo bilang isang artista.”
Plano ng aktor na kumuha ng kursong Culinary sa kolehiyo.