May 24, 2025
“I’m not going to run for office.”  – Sharon Cuneta
Home Page Slider Latest Articles

“I’m not going to run for office.” – Sharon Cuneta

Apr 27, 2015

Ruben Marasigan
by Ruben Marasigan

Napapabalitang plano ni Sharon Cuneta na tumakbong Mayor ng Pasay City sa 2016 election. Pero kaagad namang binigyang-linaw ito ng Megastar nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR) sa 6th Golden Screen TV Awards na ginanap kagabi sa Carlos P. Romulo Auditorium ng RCBC Plaza sa Makati City. “Hindi! Tatakbo ako palayo!” napabungisngis na biro nga niya.

sharon cuneta

Pero bakit may mga napapaulat nga na marami siyang ginagawang outreach programs sa Pasay City kung saan naka-ilang termino noon bilang mayor ang yumaong ama niyang si Pablo Cuineta.

“Ha? Wala akong panahong mag-outreach kahit gusto ko. Wala talaga! Siguro hingi tayo ng pictures kung meron talagang katotohanan. Wala pa. I wish na meron pero wala pa akong nagagawa. At saka siguro kung meron mang napapabalita na kumpirmadong tatakbo raw ako, ang dapat na hintayin pa ring confirmation ay yung galing sa akin.”

“E at this point, talagang hindi. At alam mo, hindi naman sa pag-aano, magbubuhat na ako ng bangko, natatakot akong tumakbo kasi masyado akong diretso.”

Sa ngayon, sa showbiz pa rin daw ang puso at interes ni Sharon. Natutuwa raw siya na may mga projects na naka-line up for her ngayong balik-Kapamilya siya.

“Masaya ako dahil patuloy na tinatangkilik ng viewers ang Your Face Sounds Familiar,” aniya. “Lahat ng celebrity contestants, pawang magagaling. Pagaling sila nang pagaling,” sabay ngiti niya. Marami raw inilalatag na magagandang plano para sa kanya ang ABS-CBN. May mga pelikula rin daw siyang gagawin sa Star Cinema pero ayaw pa niyang magbigay ng anumang detalye tungkol rito.

Kaugnay naman ng Gawad Dolphy Lifetime Achievement Award: Ulirang Alagad ng Sining na ibinigay sa kanya sa katatapos ngang 6th Golden Screen TV Awards, labis ang pasasalamat ni Sharon hindi lang sa bumubuo ng Entertainment Press Society (Enpress) na nasa likod nito kundi maging sa lahat ng mga mahal niya sa buhay at mga naging bahagi ng kanyang showbiz career.

“Now I realized it’s really a gift from people who followed your career, enjoyed your work, respected your work in a way, those who appreciated you. So it’s a very very special award. Probably one of the most special if not the most special I’ve ever received,” sabi pa ni Sharon.

Leave a comment

Leave a Reply