
“I’m passionate about directing right now but for as long as there are still people who want me to sing and that’ll make them happy, I’m going to be here.” – Jeffrey Hidalgo
by Mildred A. Bacud
Wala pa ring kupas ang performance ng dating Smokey Mountain member na si Jeffrey Hidalgo. Kabilang ang Philippine Showbiz Republic (psr.ph) sa nanood sa kanilang show sa 12 Monkeys Bar sa Makati kamakailan lang, sa imbitasyon ni Jemuel Salterio. Kasama niya ang kapatid na si Arnee at ang Pop Hearthrob na si James Wright.
Naki-jamming pa ang mga The Voice artists na sina Brad, Timmy at Jason Dy. Pinakita lamang ni Jeffrey na hindi lamang siya balladeer but he can sing other genres as well like rock and RNB. Hindi rin daw kasi pinahinga ng singer ang first love niyang gawin, ang pagkanta kahit pa ang mga kasamahan sa dating grupo ay matagal ng piniling maging pribado ang buhay.
“Hindi naman kasi ako talaga huminto. Hindi lang ako ganun kadalas nakikita sa TV pero sa guestings meron pa rin naman at tuluy-tuloy pa rin ang mga offer sa shows like corporate, out of the country like we just came from UK and Japan.”
Abala na rin si Jeffrey sa pagdi-direk ngayon. Siya ang director ng MTV ng bagong single ni James Wright, ang “ Ikaw ‘Yon,” at BYS (Be Yourself) ng kapatid na si Arnee and soon sa MTV naman ng WCOPA Champion na si Beverly Caimen under GMA Records. May natapos na din siyang pelikula starring Piolo Pascual at Rhian Ramos entitled “Silong,” pero hindi pa niya alam kung kalian ito ipapalabas.
“That’s my passion now eh yung directing pero siyempre as long as they want me to sing, I will, kung marami pa rin naman akong napapasaya, why not.”
Inamin naman ng dating Smokey Mountain na siya nag-convince sa nakababatang kapatid na bumalik sa showbiz via “The Voice of the Philippines.”
“Yeah, I talked to her sabi ko wala namang mawawala. Though she didn’t make it sa finals magandang opportunity na rin yun para makabalik siya. Sayang kasi she’s talented at puwede pa naman. Sabi ko naman nandito lang ako to support her.”
Sa taong ito ay 25 years na sana ng dati niyang grupo na Smokey Mountain at minsan niyang nabanggit ang planong reunion concert nila.
“I heard about that pero wala pa talagang confirmation. I hope may producer na makaisip at magtuloy niyan. May plano rin sana kasi na magkaroon ng search for the new Smokey Mountain of this generation pero na kay Maestro Ryan Cayabyab yun. Sana nga matuloy lahat. I’m sure marami pa ring sumusuporta sa Smokey Mountain.”