
“I’m so pressured and overwhelmed because it’s the first time I’ll be playing a lead role, but at the same time, I’m also excited because this had always been my dream.” – Ruru Madrid
M aituturing biggest break daw ni Ruru Madrid ang upcoming teleserye ng Kapuso network, ang “ Let The Love Begin,” kung saan ilulunsad din ang tambalan nila ni Gabbi Garcia at ito rin ang unang project ni Ms. Ai-Ai delas Alas sa pagbabalik niya sa GMA. Nakausap ng press people ang young actor kabilang Philippine Showbiz Republic (psr.ph) sa presscon nito kamakailan.
Ano nga ba ang pakiramdam niya sa magandang pangyayari na ito sa kanyang career?
“Sobrang nakaka-pressure nga po kasi first time kong magiging bida sa isang serye na pang-primetime pero pumapangibabaw naman po yung excitement kasi matagal ko ng pinapangarap ito at ngayon ay binigay na sa akin ng network. Gagawin ko na lang lahat ng best ko dito.”
Ano ang pakiramdam na itatapat daw ito sa teleseryeng “Forevemore,” nina Enrique Gil at Liza Soberano?
“Sobrang lakas nga po ng teleserye nila pero kami naman po ay siguro gagawin na lang namin ang best namin. Sobrang light din kasi yung sa amin. Kikiligin sila, mapapatawa namin sila. Sana po magustuhan nila.”
Hindi alam ng lahat ay kumakanta pala si Ruru, in fact sya daw mismo ang naglambing sa management na sila na lamang ang kumanta ng theme song nito at pinagbigyan naman siya. Pangarap din daw ng young actor ang magkaroon ng album at ngayong pinagbigyan siyang kumanta ng theme song ay magkaroon din siya ng chance na makagawa ng album.
Anong challenge sa kanya ngayon na binigyan nga siya ng malaking break sa kanyang career?
“Yun nga po, kaka-two years ko pa lang sa showbiz at masasabi kong bago pa lang ako, pero yung tiwalang binigay nila sa akin ganun na. Gagawin ko na lang yung best ko at lahat ng makakaya ko, ibubuhos ko dito.”
Si direk Maryo J. Delos Reyes ang humahawak ng career ng batang aktor at madalas daw nitong ipaalala sa kanya na maghintay lamang ito ng tamang panahon para sa kanyang career.
“Ako po bilang talent ni direk, naghintay talaga ako. Hindi ako nagmadali. Kasi alam kong si direk alam niya yung mga ganyang bagay.”
Nadaig pa daw ni Ruru ang winner ng ‘Protege’ na si Jeric Gonzalez dahil mas una pa itong nabigyan ng bida role.
“Hindi naman po. May tiwala naman kami sa GMA. Lahat naman kami nabigyan ng break. Si Thea at Jeric naging magka-partner naman sila sa ‘Pyra,’ so lahat kami binigyan naman ng projects.”
Malayo raw ang serye nilang “Let The Love Begin,” sa pelikulang ginawa nina Richard Gutierrez at Angel Locsin.
Kumusta ang ka-trabaho ang balik Kapuso star na si Ai-Ai delas Alas?
“Sobrang chill lang po. Masarap siyang ka-trabaho. Magaan at matatawa ka po talaga sa kaniya. Turing niya po sa akin anak talaga kaya masaya po ako.”
Hindi ba siya na-intimidate?
“Siyempre po nung una kinakabahan ako kasi Ai-Ai delas Alas yun, so yung expectations ganun. Pero sinabi ko sa sarili ko na kung mai-intimidate ako baka hindi ko mabigay yung best ko sa mga eksena.”
Ano ang first impression niya sa Comedy Concert Queen?
“Actually nung first time ko po siyang makita sobrang masaya na po ako siyempre Ms. Ai-Ai yun at sobrang bait po niya. Nung unang pagkikita namin nagpakilala ako sa kanya sabi ko ‘Ako po si Ruru,’ sabi niya ‘Napapanood kita, kilala na kita,’natutuwa po ako sa kanya.”