
“I’m willing to wait until Liza’s ready. Some things are worth the long wait.” – Enrique Gil
by PSR News Bureau
Buong akala ng lahat na pagtungtong ng 18 years old ni Liza Soberno ay sasagutin na nito ang masugid na manliligaw at on-screen partner nitong si Enrique Gil, nadismaya ang ilang fans nila dahil hindi ganito ang nangyari. Ayon mismo kay Quen [palayaw ni Enrique], naiintindihan niya ang dalaga. “Of course, since she’s very young, she wants to enjoy her life and she’s very focused with her work. Getting into a relationship at this point in time isn’t exactly her priority,” paliwanag ni Quen sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).
Sabi pa ng guwapong aktor, willing naman daw siyang maghintay kung kailan magiging handa na si Liza. “No doubt about that, I’m willing to wait until she’s ready. I believe some things are worth the long wait. And Liza’s ‘yes’ is one of them.”
Sa ngayon ay parehas daw silang naka-focus sa trabaho nila. Batid ng dalawa na hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon upang magkaroon ng magandang proyekto at exposures lalo pa’t marami silang artista. “We’re both happy to be working with each other. We get to see each other everyday. Since we’re sobrang comfortable naman na, it actually feels like we’re not really at work which is a good thing,” saad pa ni Quen.
Hindi rin daw niya gustong i-pressure ang dalaga na makipagrelasyon sa kanya. Sinabi naman daw nito sa kanya na malaki ang ‘pag-asa’ niya rito. Ibinuko nga minsan ng co-star nila sa Dolce Amore na si Matteo Guidicelli na bagamat silang dalawa ni Liza ang magkasama na nag-shooting sa Italy ng isang linggo, lagi naman daw may ka-Facetime si Liza na nasa Pilipinas na obviously ay si Quen ang tinutukoy ni Matteo.
“Basta handa akong maghintay para kay Liza kahit gaano pa katagal. And this is not just for a show. Sincere and malinis yung hangarin ko sa kanya. Hindi ko siya mamadaliin. I’m just here waiting for her. Happy na
ako that I make her feel happy and special each and every day,” sabi pa ni Quen.
May balak na ba siya na surprise for Liza on Valentine’s Day?
“Whatever that is, it’ll be a secret. And I’ll make sure it’s something she’ll appreciate,” pagtatapos ni Quen.
Muling mapapanood ang tambalang Liz-Quen sa ABS-CBN primetime soon sa pagbabalik telebisyon nila via Dolce Amore.