May 23, 2025
“It’s important to spend time with your family. My weekends are sacred because no matter how hectic my schedule is, I make sure to be with them during weekends.” – Atty. Persida Acosta
Latest Articles

“It’s important to spend time with your family. My weekends are sacred because no matter how hectic my schedule is, I make sure to be with them during weekends.” – Atty. Persida Acosta

Apr 15, 2015

Ruben Marasigan
by Ruben Marasigan

persida 1 Masaya si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta na nakapasa kamakailan sa entrance exam ng UP College Of Law si Aldren Cudia. Siya kasi ang legal counsel na parang naging pangalawang ina na rin ng nabanggit na kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na na-dismiss at hindi naka-graduate dahil sa usaping pagsisinungaling nang ma-late ito sa klase.

“Kasama siya sa upper one hundred na tinatawag,” masayang pahayag niya nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (psr.ph) sa katatapos na Gawad-Pasado awards night kamakailan kung saan pinarangalan siyang PinakaPASADOng Lingkod Bayan.

“So we’re expecting na sana ang Supreme Court at ang PMA ay pahintulutan siyang (Cudia) talaga makapag-bagong buhay na. “Kahit hindi na bilang isang sundalo kundi isang mag-aaral ng batas para in the future maging isang public attorney. Enrollment na lang ang kulang para sa August, makapag-aral na siya.”

Persida“Kailangan niya ang kanyang transcript at sana ay maalis na ang nakalagay doon na indefinite leave. At saka yung diploma niya na Bachelor Of Science.

Sumusunod lang naman siya sa sinabi ng Supreme Court na mag-change na siya ng life. Ito na talaga ang panimula nang kanyang bagong buhay.”

Pagpapatuloy pa ni Atty. Acosta, “Kukuha siya ng law. Mag-a-abogasya siya.”

Bukod sa kaso ni Aldrin Cudia, tinututukan din ngayon ni Atty. Acosta ang kaso ng mga biktima at mga kaanak ng mga namatay sa lumubog na barkong MV Princess Of The Stars na pag-aari ng Sulpicio Lines. Ilang taon na ang nakakaraan sapul nang mangyari ang trahedya at hanggang ngayo’y hindi pa rin tapos ang hearing nito.

“Nag-file na kami ng formal offer of evidence. Merong anim diumanong testigong ipi-prisinta yung mga defendants, yung may-ari ng barko. Malamang matatapos na itong sa Manila na about 74 cases. Within the year, hopefully, matatapos. And then yung sa Cebu naman, next week may hearing na naman kami para sa pagpi-prisinta pa rin ng mga complainants. At ‘yung criminal case ay tuloy-tuloy pa rin ang pagbibista.”

Si Atty. Acosta rin ang may hawak ng kaso ng kasambahay na si Bonita Baran na sinasabing dumanas ng matinding pagmamaltrato at pisikal na pang-aabuso diumano na nagresulta pa sa pagkabulag nito?
Proud ang PAO chief sa pagsasabing, “Malapit na rin yun matapos. Sa katapusan ng buwan na ito, pupunta ako ng Visayas para tulungan yung mga political prisoners natin na mga kababaihan.”

“Tapos yung namatay sa pag-inom ng milk tea recently, lumapit sa akin yung kapatid nung namatay para humingi rin ng tulong. At ina-assign ko na kay Atty. Howard Aresa yung pagtutok. Nakausap na namin yung pulis na galing sa Manila Police District na nag-imbestiga.”

“Talagang gusto naming tuklasin kung ano nga ba ang dahilan. Dahil nanigas pagkainom, na-paralized, at bumula ang bibig. Kung iyon ay food poisoning e magsusuka lang at magkaka-diarrhea. Pero ito talagang kaagad ay fatal,” paglalarawan pa ni Atty. Acosta.

Ano ba ang ang hinahangad ng kaanak ng namatay dahil sa pag-inom ng milk tea?
“Yung libreng serbisyong legal kung magkakakaso. Pero kung settlement, huwag namang malugi yung namatayan. Kapag ganyan, kung intentional yung killing, considered murder yun. Kung accidental naman, negligence and imprudence resulting to homicide. Depende sa magiging outcome ng imbestigasyon.”

Talagang padagdag nang padagdag ang mga kaso na dapat niyang tutukan.
“Punong-puno talaga ang schedule ko!” muling nangiting sambit ni Atty. Acosta.

“Medyo napapagod na rin ako. Pero alam mo naman, basta nakakagawa ka nang mabuti nawawala ang pagod dahil nakakatulog ka nang mahimbing.”

Hindi na mabilang ang mga parangal na natatanggap ng Chief Of Public Attorney’s Office (PAO) sa larangan ng public service. Pinakahuli nga ay itong sa Gawad-Pasado.

“Nakakataba ng puso kapag ganitong patuloy ang mga recognition na ibinibigay sa atin sa larangan ng public service. Siyempre kahit pagod, kahit nakakaramdam din ako minsan nang parang nanghihina ang katawan dahil sa sobrang dami ng ginagawa, kapag nari-recognize ang aking sakripisyo at ng aking mga kasama sa PAO, parang naiibsan yung aking hirap.”

“Parang isang babaeng nagdalantao tapos nung nanganak at nakita yung baby niya, ganun kasaya. So parang kita ko yung fruits, yung rewards. Kumbaga nasa puso ng mga tao ang aking ginagawang trabaho at ginagawa ko ito nang walang halong personal na interest.”

May mga kumukumbinsi sa kanya na tumakbong Senador sa 2016 election. Ngayong patuloy ang pagbibigay sa kanya ng gawad-pagkilala sa larangan ng public service, hindi ba niya tini-take ito bilang magandang sign na siya ay handa nang pumasok sa pulitika?

“As of this moment, parang hindi ko pa panahon para pumasok sa pulitika. I will stay as PAO Chief pa rin. Marami pa akong misyon na gagampanan para sa hustisya. At para rin sa kapakanan ng ating mga kababayang naghihirap.
Kung ano ang magagawa ko na kahit sabihin mang maliit na bagay. Para matutunan ng mga kababayan natin kung paano sila mahahango sa kahirapan.”

Gaano man daw siya ka-busy, she sees to it na may nailalaan siyang quality time para sa kanyang pamilya.
“Saturday at Sunday ang para sa family ko. My weekends are sacred kasi nakalaan siya talaga para sa pamilya ko. Nagluluto ako. Kagaya kanina, nagluto ako ng bulalo. Bukas siguro, gulay naman. Sa pamilya ko, sabay-sabay kaming nagdi-dinner. Siyempre kailangang may time pa rin ako sa aking asawa at mga anak. Ako nga rin ang naglalaba ng mga damit namin,” natawang kuwento pa niya.

Birong tanong namin, ang isang PAO Chief, hindi lang kusinera kundi labandera din ang drama kapag nasa bahay nila?
“Siyempre. Ayoko nang pinapawisan ang family ko na iba ang amoy. Kasi kapag ikaw ang naglaba mismo, mabango!” tawa ulit niya.

“Ayan!” sabay pakita ng kanyang mga palad.
“May sugat nga, e. Ebidensiya o, tingnan mo. Nagkasugat-sugat nga ako. Tumama sa washing machine, e.”

Kasama ni Atty Acosta ang kanyang mister nang dumalo sa Gawad-Pasado. Ang sweet nilang tingnan together.
Ano ang sikreto ng masaya at matatag nilang pagsasama bilang mag-asawa?

“Yung pag-ibig, siyempre. And then kailangan mo unawain ang kahinaan ng isa’t isa at gamitin ang kalakasan ng isa’t isa.”
Maaaring sa paningin ng iba, she is more successful than her husband. Ano ang kanyang masasabi?

“Hindi naman. Dahil yung success ko, success din niya. Ang mag-asawa kasi, yung katangian ng isa ay katangian din ng isa. Kumbaga, nagko-complement dapat kayo. At pagdating sa bahay, siyempre siya ang boss mo.
“Ganoon dapat ‘yun. Kapag ikaw ang babae.”

Leave a comment

Leave a Reply