May 23, 2025
Indie actor Kiko Matos relates well with his new role
Faces and Places Latest Articles Movies

Indie actor Kiko Matos relates well with his new role

Jun 23, 2015

arseni@liao
By Arsenio “Archie” Liao

10552353_366445200189840_3193220691542983333_nPanibagong challenge para sa tinaguriang ‘prince of indie films’ na si Kiko Matos ang kanyang bagong role sa “Sino nga ba si Pangkoy Ong?” kung saan isa siya sa mga bida.

“Adventure siya. Para rin sa mga bata. Sobrang simple lang at walang kalaliman ang kuwento, pero mae-enjoy mo siya,” panimula ni Kiko tungkol sa bago niyang movie nang makapanayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR).

Ayon pa kay Kiko, ang “Sino nga ba si Pangkoy Ong?” ay isang behikulo rin para sa kanya upang maipakita niya ang kanyang versatility. Pagkatapos niyang mapanood sa drama, horror at musical sa mga pelikulang “Babagwa: Spider’s Lair” ni Jason Paul Laxamana, “Mumbai Love” ni Benito Bautista, “Hukluban” ni Gil Portes, at “Edna” ni Ronnie Lazaro, this time sa comedy naman siya sasabak.

“Hindi naman siya slapstick, kung hindi isang situational comedy. Kuwento ito ng tatlong magkakaibigan na walang trabaho at may pinagdadaanang problemang pinansiyal. Tapos, maiisip nila na i-blackmail si Pangkoy Ong,” pagbibida niya.

Sino si Pangkoy Ong?

“Si Pangkoy Ong ay isang successful writer. Actually, may reference siya kay Bob Ong, iyong tanyag na Pinoy writer at humorist. Siya iyong best-selling author ng mga librong ‘ABNKKBSNPLAko?!’, ‘Lumayo Ka Nga Sa Akin,’ ‘Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?’, ‘Stainless Longganisa’ at iba pa. Until now, nagtatago lang siya sa pseudonym at walang nakakaalam ng kanyang tunay na katauhan,” paliwanag niya.

Sa tunay na buhay ba nakaka-relate ka kay Pangkoy Ong?

“Nakaka-relate ako, kasi lahat naman tayo nagkakaroon ng problema sa pera. Minsan dahil sa pangangailangan, pumapasok sa isip natin na gumawa nang masama. Pero depende na rin kung gagawin natin iyong naisip nating plano at kung iyon ba ang magiging solusyon sa ating problema na kadalasan naman ay hindi,”aniya. “Sa kaso ni Pangkoy Ong, dahil successful writer siya, kumbaga, lahat ng tao gustong ma-associate sa kanya. Iyon nga lang, mali iyong naging paraan naming magkakaibigan na i-blackmail siya. Dapat kasi, sa halip na ma-insecure o kainggitan natin ang isang tulad ni Pangkoy Ong, gawin natin siyang inspirasyon para umasenso pa tayo sa buhay at mag-improve sa ating mga sarili,” pahabol niya.

Hindi naman daw nahirapan si Kikong mag-adjust sa comedy kahit pa mas madami na siyang nagampanan na papel.

“In real life, fun-loving person naman ako and I always seek adventure,” aniya. “Sa ganitong klaseng role, nakakatulong kung may sense of humor ka sa katawan and I guess, meron naman ako na siya kong nai-a-apply sa paggawa ng comedy,”dugtong na esplika niya.

Happy rin si Kiko to share the limelight sa mga kabataang aktor na kasama niya sa pelikula, tulad nina Paolo De Vera, Elston Jimenez, Hazel Faith de la Cruz, Coleen Perez at Lara Villar.

rsz_pangkoy_0a

Mula sa direksyon ni Jonah Lim, ang “Sino Nga Ba si Pangkoy Ong?” ay kalahok sa 2nd World Premieres Film Festival, Filipino New Cinema section ng Film Development Council of the Philippines na nakatakdang mapanood mula Hunyo 24 hanggang Hulyo 7 sa SM Cinemas.

Aside from “Sino nga ba si Pangkoy Ong?,” kasalukuyang ginagawa ni Kiko ang “Mabalasik” isang socio-drama thriller kasama sina Rocco Nacino at Aljur Abrenica. Nasa cast din siya ng “Anatomiya ng Pag-ibig,” isang 12-act anthology film.

Malapit na rin siyang mapanood sa stage play na “The Glass Menagerie” ni Tennessee Williams kung saan kabituin niya ang nagbabalik sa limelight na si Timmy Cruz, Arnold Reyes at Michiko Unso na joint venture ng The Actors’ Repertory Theater at Think+Talk Creative Communications.

Leave a comment

Leave a Reply