
Iñigo Pascual busy as a bee; Buys a brand new van out of his own earnings
Bongga ang career ngayon ni Inigo Pascual, huh! Busy as a bee siya. Pagkatapos niyang gawin ang ‘Crazy Beautiful You’ na bida ang love team nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, na hanggang ngayon ay pinipilahan pa rin sa takilya, heto’t busy siya sa paggawa ulit ng pelikula, ang ‘Hopelessly Romantic’, na pinagbibidahan naman ng love team nina James Reid at Nadine Lustre. Kapareha niya rito ang inila-love team sa kanya na si Julia Barretto.
O di ba, sunod-sunod ang paggawa ni Inigo ng pelikula? And soon ay magsisimula na siya ng taping para sa unang serye niya sa ABS-CBN 2 na makakatambal niya pa rin dito si Julia. At gagawin na rin niya ang unang album niya mula sa Star Records.
Dahil nga maraming trabaho ngayon si Inigo kaya nakabili na siya ng sarili niyang sasakyan na Toyota Grandia van. Pero bago ito, binibigyan siya ng ama niyang si Piolo ng kotse. Pero tinanggihan niya ito. Ang gusto niya kasi, kung magkakaroon siya ng kotse ay hindi galing kay Piolo kundi siya mismo ang bumili na ‘yung pinambili niya ay katas ng pinaghirapan o trabaho niya bilang isang artista. Iba pa rin daw kasi ang feeling na siya mismo ang bumili ng sarili niyang kotse kesa binili lang siya ng ama.
Napanood namin ang indie film na “Piraso” mula sa direksyon ni GM Aposaga sa premier night nito na ginanap sa Robinsons Galleria nung Linggo. In fairness, nagustuhan namin ang pelikula at mahusay ang pagkakadirek dito ni Direk GM.
Istorya ito ng mga batang Payatas kung saan may karapatan din silang magsaya, maglaro at mamuhay ng tahimik. Kwento ito ng kahirapan at pagmamahal sa pamilya. Isang obra na babago sa buhay ng mga tao sa Payatas, Quiapo at Divisoria.
Pagpapakita ng tunay na mukha ng Maynila, pagbibigay ng impormasyon sa mga bundok sa gitna ng Syudad. Tunay na hangarin ng pelikulang “Piraso”, ay maipakita sa gobyerno, sa mamamayan at bawat indibidwal na tayong lahat ay may karapatang mamuhay katulad ng mga taong mayaman.
Sabi nga ni Direk GM,”Ang Piraso ay isang pangarap na aantig sa ating mg puso, magmumulat sa ating kaisipan, magbibigay ng tunay na kahulugan sa mga gintong bundok sa Maynila,”
Ang mga batang bida sa “Piraso” ay sina Joshua Ryan Nubla, Allison Ramirez, Chelsea Pineda, Ernist Giray, El Sarah Giray, Jenylyn Rodriguez, Cristine Croon, Jasmine Ong, Nikos de Guzman, Nathalie Quicho, Yedda de Guzman, Bimbim Batabat, Diana Mata, Roe Anne Pacheco and Althea Golde.
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente