
“We had intense, sexy and steamy love scenes but because we are professionals, we maintained being in character,” – Gerald Anderson on Julia Montes
by Arsenio “Archie” Liao
Kung sa “OTJ” (On The Job) ay pinahanga tayo ni Gerald Anderson sa kanyang markadong role bilang hired assassin, isa na namang mapanghamong papel ang magpapakita ng lawak ng acting range niya sa pelikulang “Halik sa Hangin”.
Papel ni Gio, isang musikero ang binibigyang buhay ni Gerald sa opening salvo ng Star Cinema.
Sa pelikula, siya ang magbibinyag at mag-uudyok kay Mia (Julia Montes), isang inosenteng babae na maging mapangahas sa ngalan ng pag-ibig.
First daring role ito ni Julia kung saan may sexy love scenes kayo. How does it feel na ikaw ang unang bibinyag kay Julia in her first daring adult role?
“Well, I feel blessed na makatrabaho ko siya. First time ko ito sa kanya and I find acting and working with her easy kasi napakagaling niyang aktres. Nagkakasundo kami dahil committed at passionate siya with her craft and it was a learning experience kasi I learned a lot from working with her”, pagtatapat ni Gerald.
Paano mo inalalalayan si Julia sa mga love scenes ninyo?
“We had intense, sexy and steamy love scenes pero prior to that nag-workshop kami kaya hindi na kami nahirapan. At saka kapag professional ang katrabaho mo like Julia, kailangang in character ka rin. Siyempre nagtulungan kami at inalalayan ko siya sa mga eksena na kinakailangan sa iskrip”.
What do you find sexy in Julia?
“Maybe, iyong character niya. May mga babae kasi na even with their clothes on, sexy pa rin. I love her simplicity”, rebelasyon ni Gerald.
Do you expect to win an award in this movie?
“Sana. Pero, ako naman, kapag tinatanggap ko ang isang project, iniisip ko iyong trabaho ko first and foremost. I am just glad na nabigyan na naman ako ng kakaibang role na hindi lang physically demanding kundi emotionally challenging rin”, ayon kay Gerald.
Bukod kay Julia, tampok rin sa naiibang cinematic experience sa “Halik sa Hangin” sina JC de Vera, Ina Raymundo at Edu Manzano.
Mula sa kuwento ni Enrico Santos at sa direksyon ni Emmanuel Palo, ang “Halik sa Hangin” ay mapapanood na sa lahat ng sinehan sa buong kapuluan simula sa Enero 28.
Follow me…