
Chat with John Fontanilla
Hiro Magalona chooses to enhance talent than ‘to be down in the mouth’ while waiting for projects
February 11, 2015
Imbes na magtampo sa GMA 7 dahil after Anakarenina ay hindi pa nasusundan ng panibagong proyekto ang teen actor na si Hiro Magalona Peralta samantalang ang ibang GMA teen stars ay sunod-sunod ang trabaho ay nag-focus na lang ito sa paghasa ng kanyang talent mula sa singing, dancing at acting. Sa panayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR), sinabi niyang, “Napasama ako sa ‘Yagit’, pero ilang tapings lang ako dun. Pero alam ko naman na may plano sa akin ang GMA, hindi naman nila ako iko-kontrata kung wala silang magandang plano sa akin. Kaya naman habang wala pa akong ginagawa, habang bakante yung oras ko, nagwo-workshop na lang ako ng acting, dancing at singing.
Sa aming interview, nagpamalas ng pagka-matiyaga ang binata. Willing naman daw siyang maghintay. Aniya, “Nagawa ko ngang maghintay noon para magkaproyekto,kaya kaya ko ulit mag hintay ngayon. “Alam ko naman na may tamang proyekto din ba babagay sa akin at sa akin nila ( GMA ) yun ibibigay.” Dagdag pa ni Hiro, “Sabi nila hintay hintay din pag may time ha ha ha. Ang mainip talo ha ha ha.”
[su_divider]
“I never lived in a world of competition. It’s always a world of creation.” – Jojo A.
January 22, 2015
Kinapanayam ng Philippine Showbiz Republic (PSR) si Jojo Alejar tungkol sa ‘JoJo A. All the Way’. Sinabi niyang, “Nawala ang show for a while pero magbabalik pa rin naman ngayong February, bale nag-season break lang kami. The general idea kasi is to give entertainment kasi dati diba madami tayong napapanood na entertaining news ngayon kasi ang parang lagi nalang pinag-uusapan eh patayan. So ngayun, iba naman kasi medyo nakakasawa na yung mga ganun, eh.”
Kung competition naman ang pag-uusapan, ano naman ang masasabi ni Jojo?
“Katulad nga ng sabi ko, mas masaya ‘pag mas marami ‘di ba?”
Tapatan?
“Hahahaha…. Ako naman kasi, I never lived in a world of competition. It’s always a world of creation. Living in a world of creation is limitless eh, you can do whatever you want na walang iniisip. Kumbaga limitless. Unlike ‘pag may competition mag-iisip ka lang ng mag-iisip.”
So anong message mo sa mga tatapat sa show mo? “Welcome sa late night programming!”
Follow me…