May 24, 2025
Is Angelica Panganiban depressed and thinking about quitting showbiz for good?
Home Page Slider Latest Articles

Is Angelica Panganiban depressed and thinking about quitting showbiz for good?

Jan 27, 2016

by PSR News Bureau

angelicaHindi pa rin nagsasalita sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz ukol sa balitang hiwalay na sila kahit kumalat na ito sa social media at bali-balita na sa lahat ng sulok ng showbiz.

May ilang alingasngas nga na nasagap ang Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) mula sa aming mapagkakatiwalaang source na kaya nga daw tila sobrang na-depress lately si Angelica ay dahilan umano ng kanilang paghihiwalay ni Lloydie. Nagbabalak na nga raw layasan ng aktres ang showbiz at manirahan na lang sa US kasama ang kanyang pamilya. Wala pang kumpirmasyon o pagtanggi mula sa panig ng aktres kung totoo itong balitang ito.

Bea-ALonzo-John-Lloyd-Cruz-Together-Couple-Relationship-Boyfriend-Girlfriend-Breakup-Overlapping-Good-Times-with-Mo-podcast-GTWM-January-2016-Angelica-Panganiban-Zanjoe-MarudoKalat na kalat na rin ngayon na ang perennial screen partner ni John Lloyd na si Bea Alonzo ang ipinalit umano ng aktor kay Angelica. Ilang beses na raw na nakitang sweet na sweet na magkasama sa ilang showbiz functions ang dalawa na hindi alintana ang mga press people at members of the media. Wala rin tayong anumang naririnig mula kay Bea hinggil sa isyu. Nananatiling tikom ang bibig nilang tatlo kaya’t samu’t-saring balita ang napag-uusapan sa loob at labas ng showbiz hangga’t walang kumpirmasyon sa magkabilang panig.

Kaliwa’t-kanan nga ang mga batikos at pamba-bash kay Bea ng ilang netizens—tinawag siyang mang-aagaw ng boyfriend ng may boyfriend. Hindi namin huhusgahan si Bea, bukas ang Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) sa mga paliwanag ng bawa’t isa kung handa na silang magsalita.

Leave a comment

Leave a Reply