
Is Liza Soberano training for ‘Darna’ role?
by PSR News Bureau
Matunog na ang balitang kasalukyan umanong nagte-training si Liza Soberano dahil sa siya na umano ang napipisil para palitan ang papel na iniwan ni Angel Locsin bilang ‘Darna.’ Hindi man sangayon ang lahat na si Liza ang gaganap bilang ‘Darna’ sa taong 2016, may ilan kasing nagsasabing masyado pa itong bata para sa naturang roles habang ang iba naman’y sinasabing perfect umano ang magandang aktres dahil sa ganda ng mukha at hubog ng katawan nito.
Balita kasing maliban sa pagsu-shooting ng dalaga para sa isang bagong teleserye nila ni Enrique Gil sa bansang Italy, puspusan din daw ang ginagawang training nito sa physical fitness para bumagay sa kanya ang role na ‘Darna.’ Ilang pangalan na rin ng mga artista ang nagsulputan para sa nasabing role na sinasabing nag-audition gaya ni Jessy Mendiola na hayagang sinasabi na interesado siya sa papel na ito. Lahat sila ay nangangarap na mapasakamay nila ang mahalagang papel ni ‘Darna.’
Kung totoo nga ang balitang ito, aba’y napakasuwerte naman ni Liza. Bagamat baguhan at kahit paano’y mayroon na rin naming napatunayan ang dalaga, pero hindi bilang isang indibidwal kung hindi bilang bahagi ng isang loveteam, ang LizQuen. Pagkakataon na niya na ipakita kung ano ang kaya niyang ibuga pagdating sa acting. Hindi nga naman biro ang maging isang Darna. Kung si Angel Locsin nga na ilang taon na ring nag-Darna ay ‘napuruhan’ dala ng pisikal na training para dito, lalo’t higit kapag hindi naman talaga aktibo sa aksyon ang isang artista gaya ni Liza.
Pero mukhang handang-handa naman si Liza na gawin ang ‘Darna.’ Isang panibagong challenge nga naman para sa kanya ito. Sigurado ring magbabago ang takbo ng kanyang karera oras na mai-launch na siya bilang bagong Darna ng henerasyon. Hindi man tuluyang bubuwagin ang LizQuen na loveteam, pero kung magagawa nga ni Liza ang nasabing proyekto, maaari na siyang kumalas sa shadow ni Enrique Gil pagkatapos nito. Sigurado rin ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) na mas maraming lalaki ang higit na maghahabol at magkakandarapa kay Liza pagkatapos nitong gawin ang Darna at tiyak na dapat maging alisto si Enrique kung gusto niyang maging sa kanya lang si Liza.
Abangan na lang natin kung totoo ang alingasngas na ito. Magkakaalaman na iyan pagdating ng taong 2016.