May 24, 2025
Is Toni Gonzaga pregnant with her first child?
Home Page Slider Latest Articles

Is Toni Gonzaga pregnant with her first child?

Feb 12, 2016

by PSR News Bureau

Toni-Gonzaga1 (1)

Balitang buntis na ang Kapamilya star na si Toni Gonzaga sa una nilang magiging anak ni direk Paul Soriano. Bagamat wala pang anumang kumpirmasyong nanggagaling mula kay Toni. Wala ring anumang anunsiyo na ipinopost ang singer-actress sa kanyang social media accounts kahit pa marami nang bumabati sa kanya ng ‘congratulations.’

Kung totoo man ang balitang ito, aba’y masaya ang lahat para kay Toni at direk Paul. Hindi na nga naman bumabata ang tinaguriang ‘Multi-Media Star’ at panahon na rin upang magkaroon ito ng anak. Nabanggit naman na ni Toni na sa loob ng 2 taon ay nagbabalak talaga silang gumawa ng anak ng asawang direktor. Ito raw talaga ang plano nilang mag-asawa pero kapwa silang naniniwala na mangyayari ang lahat ayon sa kagustuhan ng Panginoon.

ToniGozagaMatatandaan na ikinasal sa isang Christian wedding sina direk Paul at Toni noong buwan ng June 2015 pagkatapos ng walong taon na pagiging mag-boyfriend.

Nakatakdang gawin ni Toni ang isang teleserye sa ABS-CBN na may pamagat na Written In Our Stars kung saan makakasama niya si Piolo Pascual na sinasabing mapapanood sa ere nitong 2016. Wala pang balita kung matutuloy ang nsabing teleserye lalo pa’t kung totoong buntis si Toni.

Kung totoo ang balitang buntis na si Toni, congratulations mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph)! Abangan na lang natin kung ano ang magiging development tungkol sa kuwentong ito.

Leave a comment

Leave a Reply