May 25, 2025
Isabel Granada’s mom on actress’ situation: Alam ko gigising ang anak ko; Guerrero unreels on Nov. 12
Latest Articles This is it!

Isabel Granada’s mom on actress’ situation: Alam ko gigising ang anak ko; Guerrero unreels on Nov. 12

Nov 2, 2017

Unconscious pa rin si Isabel Granada na naka-confine sa Hamad General Hospital sa Doha, Qatar kaya hindi pa rin siya naooperahan.

Kino-consider ng butihin niyang ina na si mommy Gwapa (na nandun na sa nasabing bansa kasama ang anak ni Isa na si Hubert at ex-husband na si Coun. Jericho Aguas) na kumuha ng doktor sa Spain, ang bayang sinilangan nilang mag-ina, para sa second opinion.

Sobra na kasing nababahala si mommy Gwapa sa kalagayan ng nag-iisang anak. Gustong-gusto niya na itong makitang gising at makausap.

Pero naniniwala siya, na sa tulong ng kanyang dasal at sa lahat ng mga nagmamahal kay Isa ay magkakamalay na rin ito.

Sabi ni mommy Gwapa, “Hinihiling ko sa Diyos na gigising sya, na huwag kunin ang anak ko, i-extend ang buhay niya. Palaging sinasabi ko, kung kailangang buhay ko ang kunin ng Diyos para maibigay ang buhay ko sa kanya, ibibigay ko. Masyado akong nasasaktan, pinipigil ko ang luha ko. Kasi pinapagalitan ako ng apo ko. Sabi niya, huwag akong umiyak. Siyempre, para hindi niya (Isabel) marinig. Hindi pa siya nagre-response, pero alam ko sa mga prayers, sa lahat ng prayers, lahat ng supporters dito sa Qatar, sa Pilipina, sa lahat, alam ko gigising ang anak ko.”

Patuloy pa rin po nating ipagdasal si Isa na maka-recover sa kanyang sitwasyon ngayon.

isabel-jericho-and-mommy-gwapa

Speaking of Coun. Jericho, hanga at saludo kami sa kanya dahil kahit hiwalay na sila ni Isa, ipinapakita pa rin niya ang concern niya.

Nagpunta pa siya ng Qatar para lang makapiling si Isa at ibigay ang moral support niya. At mganda pa rin ang relationship nila ni mommy Gwapa, huh!

Tuloy pa rin ang communication nilang dalawa. At paminsan-minsan ay pinapasundo niya ito para makasama ang apong si Hubert na nasa pangangalaga niya.

********************

Napanood namin ang pelikulang “Guerrero” sa premiere night nito na ginanap kamakailan sa SM Cinema 3 sa Megamall.

Mula sa EBC Films at sa direksyon ng award-winning director na si Carlo Ortega Cuevas. In fairness, ang ganda ng pelikula, nagustuhan namin ang istorya nito tungkol sa struggles sa buhay ng isang boksingero played by Genesis Gomez, na siyang bida sa pelikula.

cast-of-guerrero

Kasama rin sa “Guerrero” si Julio Cesar Sabenorio na gumanap bilang si Miguel na bunsong kapatid ni Genesis.

Umagaw ng eksena sa pelikula ang bagets, huh! Pasok ang punchlines niya rito. Ang husay-husay niya sa pelikula to think na first movie niya pa lang ito.  Hindi mo talaga iisipin na ngayon pa lang siya sumabak sa pag-arte.  Sigurado na next year ay mapapansin siya ng mga kritiko.  Posibleng ma-nominate siya for Best Child Performer sa ibat’-ibang award-giving bodies at posible pang manalo siya.

Showing na sa November 12 ang “Guerrero” sa 57 Cinemas nationwide. Panoorin nyo ang pelikula at sigurado kami na magugustuhan nyo. Part din dito si Joyselle Cabanlong bilang leading lady ni Genesis.

Leave a comment