May 23, 2025
Isabelle Daza apologized over Siquijor hashtag
Home Page Slider Latest Articles

Isabelle Daza apologized over Siquijor hashtag

Jun 19, 2015

By PSR News Bureau

Mabuti naman at kaagad na humingi ng apology itong si Isabelle Daza kay Vice Governor Dingdong Avanzado at sa mga taga-Siquijor. Matatandaang nag-post ang aktres nito lang Linggo sa kanyang social media account na may hashtag na #SiquiWhore na ikinasama ng loob ng mga mamamayan ng nasabing isla sa Visayas.

isabelle-daza (1)

Sa kanya ring Instagram account, klinaro ni Vice Governor Dingdong na humingi na daw ng paumanhin ang aktres sa kanya at sa mga taga-Siquijor. “Actress Isabelle Daza has already explained that the hashtag #SiquiWhores was merely ‘a joke’ and is a ‘term of endearment’ between her and her cousins. Likewise, she apologized to the people of Siquijor who may have been offended by such a term,” he wrote on Instagram.

“I encourage the netizens and the people of Siquijor to accept her apology, move on, and focus our time and efforts on more important concerns that our nation faces today,” Dingdong wrote.

Malaking aral ito hindi lang para kay Isabelle kung hind imaging sa mga Netizens na dapat maging sensitibo at mag-isip ng mabut bago mag-post sa social media. Sa panahon kasi ngayon ay wala ng pinalalampas ang mga Netizens lalo’t higit ang mga hindi marunong rumespeto sa kapwa, hindi na rin sinasanto kahit biro man ang isang pahayag, lalo’t kung nakasasakit at talagang masasabing ‘below the belt.’

avanzadoMabuti na lamang at maagap si Vice Governor Dingdong Avanzado para klaruhin ang mga bagay. Kung hindi, tiyak na mahihirapan si Isabelle na bawiin ang kanyang nasabi at nagawa. Baka hindi na siya payagang muling makatuntong sa nasabing isla o dili kaya’y gawin siyang ‘persona non grata.’ Kaya nga ba dapat pakaisiping mabuti bago i-click ang buton ng kompyuter upang sa gayon ay hindi mailagay ang sarili sa alanganing mga bagay.

Leave a comment

Leave a Reply