May 23, 2025
Isko Moreno maintains social grace regardless of election result
Latest Articles

Isko Moreno maintains social grace regardless of election result

May 3, 2016

Kung bakit sinasabing “Isko Moreno maintains social grace regardless of election result,” ay dahil sa tagal naming magkakilala, si Isko ay may general behavior and attitude ng pagiging polite at ma-karisma sa tao.  Kaya hindi maikakaila na gusto sya mapa-showbiz man o sa larangan ng showbiz kung saan sya nagsimula.

“Kapag pinalad, laway ko lang ang ipinuhunan ko dahil matagal ko ng nasimulan ang educarion, health care, housing and irrigation. The four basic needs of the people. First day pa lang ‘yan agad ang isusulong ko.

“Kung hindi palarin, babalik ako sa showbiz. I might try doing a talk show at maibahagi ko naman ang mga natutunan o naging experience ko sa pulitika. Pwede akong mag-produce  ng pelikuka independently. I might teach also. Yan na ang nasa retirement plan ko. Teach our students.

Nadadagdagan pa ngayon ang exposure ni Isko dahil sa patuloy na paglitaw ng mga sexy pics niya sa social media.

“Nung unang lumabas yan nagulat ako. Kaya ngayon, hindi na ako nagugulat. Kasi luma naman na. Lahat may kopya ako. Meron nga super bold pero hindi naman ako ‘yun. Hindi naman ganon kalaki ang sa akin. At saka mestizo ako. Eh, ang itim naman nun.”

Baka naman may video siya na biglang lalabas.

“Sabi nga nila may kamukha akong foreigner eh…sikat noon. Porno king ‘ata ‘yun!”

Thanks to colleague Allan Diones for shouting Jeff Stryker.

“Oo 80s pa yun. At saka baka lang ako. Kabayo yun! At saka pictorial ni tito Douglas (Quijano) yun. Hindi ko naman yun itatatwa dahil that time yun naman ang trabaho ko bilang artista.

“Natutuwa lang ako ngayon dahil may mga nakakakilala pa naman sa akin bilang member ng Monday group ng “That’s Entertainment”… Pag mga 50 up alam nila kung sino si Isko Moreno. Pag 25 pababa sila ang mga anak nung mga 50 plus…”

On his senatoriable race.

Labing walong taon siya sa Serbisyo Publiko. Konsehal. Bise-Alkalde. At ngayon Senado na ang gusto’ng tunguhin!

Si Francisco Domagoso lang na nauna namang nakilala sa mundo ng ahowbiz bilang Isko Moreno.

Kaya naman may malaking impact o dating ang kanyang mga ads sa telebisyon ngayon na may tagline na “Alam Ko Po Yun” at “Ako Po Yun”.

Dating basurero o namumulot ng basura sa palibot ng Tondo kung saan siya lumaki, naging sidecar driver at marami pang mapanghamong trabahong kinailangang tawirin para maibsan ang kagutuman.

This time, nais pa ni Isko na lumawak ang magagawa niya para sa mapaglilingkurang bansa sa mga batas na isasagawa. Na ang ilan nga raw ay aaksyunan na lang.

“If there’s one blessing sa ginagawa namin ngayong pagiikot sa buong Pilipinas, yun eh ang pag-validate sa mga nakikita kong lugar sa palibot ng ating 7,100 islands. Maraming maipagmamalaki. But generally speaking, tahimik ang ating bansa.

“Ang napansin ko na kailangang bigyan ng atensyon talaga ay yung kakulangan ng trabaho o hanapbuhay ng ating mga kababayan.”

Aware naman siya na sa survey eh nasa number 14 siya.

“Kumbaga sa damit nandun ako sa pundilyo o laylayan. Ang ratings or survey is a tool. Definitely ot helps. Naniniwala naman ako. You can make use of that to your advantage sa mga data presented. It is answering kung ano ang feelings ng tao sa araw na tinanong sila. Kung ano ang nataramdaman nila sa oras na yun. Ina-address mo lang ang feelings nila. Kaya yes, I believe sa ratings o surveys. ”

“Kayo ang unang gusto kong kumbinsihin dahil kayo ang unang nakakilala sa akin. Disi-otso años ako. Pakalat-kalat lang noon sa Broadway. Pinagbuti ang sarili ko. At nami-miss ko talaga ngayon si Kuya Germs…at ngayon kelangan kog balik-balikan ang parola para patuloy na magpaalala sa akin kung saan ako nagmula. Kaya yan din ang ipinapaalala ko sa lima kong anak. Four boys and a girl (Patrick, Frances, Joaquin, Franco at Drake).Yung panganay ko boboto na. Binata na.”

Leave a comment