
Ismol Family Prog Info (MARCH 1)
Paaarawan ni Majay ang triplets pero nagprisinta si Bobong na siya na lang daw. May kausap si Bobong sa cellphone sa park, habang nasa tabi niya ang tatlong stroller. Nalibang at sumakay sa taxi si Bobong. Naiwan niya ang triplets. Ano kaya ang mangyari sa mga anak nina Majay at Jingo? Siguradong magagalit ang mga iyon. Mapatawad kaya ni Majay ang kapatid?
Isa pang magiging problema ni Bobong ay ang ex niya seven years ago. Iniwan at pinagtaguan niya si Mildred at ngayon ay nagbalik ito. May naging anak din si Bobong kay Mildred pero itinago at itinakas ng tagapag-alaga. Sino ang anak na ito nina Mildred at Bobong. Masa-shock kayo kung malaman ninyo.
Tumawag ang Dad ni Bernie at sinabing minsa ay bibisita siya para makilala ang syota ni Bernie. Syota ni Bernie? Saan kukuha ng syota e alam na natin kung ano ang gusto niya? Kailangan niyang humanap ng syota na ipapakita sa Dad niya. Sino ang makukuha niya?
Nasunog naman ang apartment na rerentahan ni Lance kaya sa Ismol house na naman siya titira. Laking gulo na naman ang life ng Ismol Family. Subaybayan ang masaya pero magulong life ng Ismol Family tuwing Linggo sas GMA 7.
