June 7, 2025
Home Page Slider Latest Articles

It’s confirmed! Bea Alonzo and Zanjoe Marudo have broken up

Jan 19, 2016

by PSR News Bureau

Ayon sa isang reliable source ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), kumpirmado na naghiwalay na ng landas sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo. Mismong ang celebrity columnist at talent manager na si Ogie Diaz ang nagbalita sa kanyang programa sa radio ng nasabing balita.

Matagal nang napapabalita ang kanilang paghihiwalay magmula nang magkaniya-kaniya silang biyahe sa ibang bansa gayung dati rati naman ay palagi silang magkasamang dalawa sa kanilang mga travels at trip abroad. Kamakailan lang ay napabalitang nagpunta si Bea sa Japan samantalang si Zanjoe naman ay nasa Paris at London.

In fairness naman sa dating magkasintahan, sinubukan naman daw nila talagang ayusin anuman ang gusot sa pagitan nilang dalawa. Pero ika nga, matapos nilang ibigay ang kaya nilang ibigay para maisalba ang kanilang relasyon, sa paghihiwalay rin pala mauuwi ang lahat.
Ngayon nga ay napapabalitang ang kapareha ni Bea na si John Lloyd Cruz ang siyang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Tila naging totohanan na daw ang pag-iibigan nina Bea at John Lloyd. Ito rin daw umano ang dahilan kung bakit biglaang nagpagupit ng pagka iksi-iksing buhok si Angelica Panganiban [na kasalukuyang nobya ni John Lloyd].

Hanggang sa mga sandaling ito, wala pa ni isa man sa kanila ang pumapayag na magpa-interview. Nananatiling tikom ang mga bibig nila sa isyu. Maliban lang kay Angelica na tahasang sinabi na going strong pa rind aw ang relasyon niya sa premyadong aktor na si John Lloyd sa kabila ng mga balitang on-the-rocks na ang kanilang samahan.
Kung sakaling totoo man na nagkamabutihan na ang on-screen partners na sina Bea at John Lloyd, siguradong magiging masaya ang kanilang mga tagahanga. Baka nga muling masundan ang kanilang hit na pelikulang “Second Chance,” dahil sa isyu na silang dalawa na nga. Mas magiging natural na nga naman ang bawat nakakakilig nilang eksena kaysa noong panahong wala pa silang interes sa isa’t-isa.

Inaasahan na darating ang tamang oras kung kailan magsasalita na ang mga artistang ito na sangkot sa isyu. Tulad nang nakasanayan na nila, umaamin ang mga ito kapag natapos na ang isang relasyon. Isa lang ang masasabi ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) diyan, let’s wait and see.

Leave a comment