It’s confirmed! Marian Rivera joins Encantadia remake
by PSR News Bureau

Handa na raw muling bumalik sa kanyang trabaho ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera matapos nitong makapanganak. Nakatakda na nga siyang bumalik sa Sunday Pinasaya sa mga susunod na Linggo. Maliban dito ay nakalatag na rin daw ang mga magiging proyekto ng aktres para sa taong ito. Kaya naman sobrang excited na si Marian dahil kilala naman ang aktres bilang napaka-workaholic at ayaw na ayaw nitong nababakante siya. Bagamat aminado ang aktres na magiging priority pa rin niya ang kanyang pamilya lalo na si baby Zia, aminado naman siya na sabik na siyang muling magbalik sa trabaho.
Kinumpirma rin nga ng kampo ni Marian na magiging bahagi na ang aktres ng Encantadia remake sa GMA 7. Gagampanan ni Marian ang papel na dating pinasikat ng aktres na si Dawn Zulueta na Ynang Reyna ng kaharian sa mythical kingdom. Bukod diyan ay mayroon din daw isang talk show na gagawin ang Reyna ng Kapuso. Pero hindi daw nito iiwanan ang masayang grupo ng Sunday Pinasaya lalo pa’t kasama niya rito sa show ang kanyang itinuturing na ‘kakambal’ na si Comedy Queen Ai Ai delas Alas. Nage-enjoy daw kasi si Marian sa naturang show at parang hindi sila

nagtratrabaho sa set ng noontime show na ito na mapapanood tuwing araw ng Linggo.
Pinayagan naman daw si Marian ng asawang si Dingdong na muling magtrabaho ito. Hindi na nga lamang katulad ng dati noong wala pa itong anak na sobrang dami kung tumanggap ito ng proyekto. Ngayon daw ay palagi pa ring magiging prayoridad ni Marian ang kanyang anak at asawa kung kaya’t bagamat balik-trabaho na ang Kapuso actress ay piling-pili rin daw ang kanyang mga magiging proyekto. Tinanggap daw niya ang mga ito dahil nami-miss niya na rin kasi magtrabaho at bukod pa sa mga requests ng fans niya na kanya namang pinagbigyan.