
“It’s none of my business.” – Gerald Anderson’s reaction to Sam Milby’s admission that he’s courting his ex gf Maja Salvador by PSR News Bureau
by PSR News Bureau
Umamin na si Sam Milby na naging masugid siyang manliligaw ni Maja Salvador. Dahil dito’y pinutakti ng intriga ang ex boyfriend niyang si Gerald Anderson. Magkaibigan din kasi sina Sam at Gerald kaya’t hindi maiiwasang maintriga ito. Pero nagbigay na ng pahayag si Gerald ukol dito. Aniya, “Labas na ako diyan. It’s none of my business anymore. I’ve long moved on.”
Pero dahil naging mapilit ang press, napilitan magbigay ng opinyon si Gerald. “Ganito na lang, you want the best for your friend and for someone you had relationship with. If Sam and Maja’s romance continues now that they’re both single, it would feel reassuring, because you know that the person you used to love will be taken care of, because she’s with a friend you trust.”
Pero mariing sinabi ni Gerald na anuman ang mayroon sa pagitan nina Sam at Maja ngayon, magiging masaya siya para sa mga ito. Pero huwag na raw siyang isali intrigahin dahil matagal naman na silang wala ni Maja at hindi raw dapat maging issue yun. Bagamat aminado ang binata na hindi pa sila maituturing na magkaibigan ni Maja sa kasalukuyan, naniniwala raw siya na darating ang panahon na magkakaayos rin sila ng dating nobya.
Hindi rin daw naka-pokus ang atensiyon niya sa pag-ibig. “Hindi pa ako ready na magmahal ulit. Madaming proyekto ang naghihintay sa akin. It would only be unfair sa babaeng mamahalin ko kung hindi ko siya mabibigyan ng sapat na panahon,” bulalas ni Gerald. Kaya kabilang man si Gerald ngayon sa ‘Samahan ng malalamig ang Pasko,’ hindi alintana ito ng aktor. “My family is enough to feel the love this Christmas. Love isn’t just my priority now.”