May 24, 2025
“I’ve gained more confidence and I’m open to opportunities in show business.”  — Mister International Neil Perez
Latest Articles T.V.

“I’ve gained more confidence and I’m open to opportunities in show business.” — Mister International Neil Perez

Mar 13, 2015

arseni@liao
by Arsenio “Archie” Liao

wpid-wp-1423568960442Artista na ang 2014 Mister International na si Neil Perez. First TV appearance niya ang Wattprad presents “My Ex, My Professor” kung saan katambal niya ang rising Kapatid actress na si Isabelle de Leon.

Ano ang nabago sa iyo simula noong nanalo ka ng Mister International?

“Nadagdagan ang self-confidence ko sa sarili ko. Dumami ang mga kaibigan ko at mga fans. Sa trabaho naman, marami ang nagche-cheer sa akin dahil sa napanalunan ko”, bulalas ni Neil.

Sa hanay ng kapulisan, nagkaroon ba ng special treatment sa iyo pagkatapos mong manalo?

“May mga humahanga lang pero so far, wala namang naging special treatment. Pantay-pantay pa rin kami pagdating sa trabaho.”

Tuloy-tuloy na ba itong pag-aartista mo?

“Kung merong offer”, maikli niyang tugon.

Kung papipiliin ka between acting at career mo bilang policeman, ano ang pipiliin mo?

hot-cop

“Iyong trabaho ko as a policeman.”

Bakit?

“Mas gusto ko kasing magsilbi sa bayan”, sey niya.

Papaano kung may offer sa iyo na malaki ang talent fee at isang role of a lifetime?

“Priority ko pa rin ang trabaho ko sa PNP,” sagot niya. “Puwede ko naman silang pagsabayin as long na walang conflict sa schedule”, dugtong ni Neil.

Paano mo binabalanse ang panahon mo bilang artista at pulis?

“Iyong Saturday at Sunday na day-off ko, iyon ang inilalaan ko sa shooting”.

Nag-undergo ka ba ng acting workshop bilang preparasyon mo sa role mo rito?

“Hindi. Kaya nga, kabado ako. Nakaka-tense pala”, ayon kay Neil.

Bilang pulis, willing ka bang ma-assign sa Special Action Force o maipadala sa Maguindanao?

“Trabaho iyon kaya walang magiging problema kung ma-assign man ako roon”.

Si Neil ay member ng bomb squad ng PNP.

Sa Wattpad presents “My Ex, My Professor”, papel ni Mr. Viel Anueva, isang “hottie” Math professor na ex-boyfriend ni Hannah, isang coed na ginagampanan ni Isabelle de Leon.

Kung anong kumplikasyon ang dulot ng kanilang muling pagtatagpo ay dapat abangan sa kilig serye ng bayan.

Ang Wattpad Presents “My Ex, My Professor” ay mapapanood sa TV5 sa ganap na alas-9 ng gabi simula Marso 23 Lunes hanggang Biyemes.

Follow me…

social networkingarsenio.liao
@artzy02

Leave a comment

Leave a Reply