
Iza Calzado bags best actress nod at 2017 Osaka Asian Film Festival
Sa ginanap na 2017 Osaka Asian Film Festival noong March 11 ay hinirang na Best Actress si Iza Calzado para sa mahusay niyang pagganap sa Bliss, isang pyscho-thriller film mula sa direksyon ni Jerrold Tarrog.
Dumalo sa nasabing international award giving body si Iza kaya personal niyang natanggap ang kanyang tropeo.

Sa kanyang acceptance speech, dine-dicate ni Iza ang kanyang tagumpay sa namayapa niyang mga magulang na sina Lito Calzado at Maria Antonia Ussher, ganundin sa mga nakasama niya sa pelikula at sa kanilang direktor.
*********
Wagi rin si Raymond “RS” Francisco, ka-tie si Kristoffer King, bilang Best Actor sa katatapos lang na Sinag Maynila Awards na ginanap sa Samsung Hall ng SM Aura noong Linggo.
Si RS ay nanalo para sa pelikula niyang Bhoy Intsik while si Kristoffer naman ay para sa pelikula niyang Kristo.
Present sa awards night si RS kaya personal niyang natanggap ang kanyang trophy.
Sa kanyang acceptance speech, teary eyed siya nung pinasasalamatan niya ang lahat ng nakatulong sa kanyang career.
Hindi pa namin napapanood ang nasabing pelikula, pero ‘yung mga nakapanood na nito ay iisa ang kanilang sinabi sa amin, na magaling dito si RS.
At during the presscon ng Bhoy Intsik, ay pinuri rin ng direktor nito na si Joel Lamangan si RS. At maging ng film critic na si tito Mario Bautista ay pinuri rin ang akting dito ni RS.
So, deserving talaga siyang manalong Best Actor, di ba?
Papanoorin namin ang pelikula mamaya para makita namin ang husay na ipinamalas ni RS sa Bhoy Intsik.
To RS, our congratulations!