May 22, 2025
Latest Articles Movies

Iza Calzado talks about ‘Etiquette for Mistresses’

Sep 3, 2015

iza-calzado-close-upHindi pa man ipinapalabas ang kanilang pelikulang ‘Etiquette for Mistresses,’ may ilang kumukondena na dito dahilan para maging kontrobersiyal ang nasabing pelikula. Tatampukan ng naglalakihang artista ang ‘Etiquette for Mistresses’ gaya nina Kris Aquino, Claudine Barretto, Kim Chiu, Cheena Crab at Iza Calzado. Maraming natatanggap na puna mula sa mga kritiko ang nasabing pelikula lalo na’t kinokondina ito dahil parang binibigyan ng spotlight ang mga kababaihang pumapatol sa mga may asawa.

Para iwaksi ang negatibong pananaw, nagbigay ng pahayag ang isa sa bida ng pelikula na si Iza Calzado. “Hindi natin sinasabing fun siya [ang pagiging mistress],” bungad ni Iza sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).

“Actually ang dami ngang pinagdadaanan ng mga characters na hopefully maka-relate ang mga manonood, doon mo lang mare-realize na may mga bagay na nangyari lang para magkaroon sila ng desisyon para sa sarili nila na kinailangan lang nilang panindigan,” bulalas ni Iza. Ayon pa kay Iza, minsan masyadong medaling humusga ang mga tao lalo’t higit sa mga babaeng nagdaan sa extramarital affairs.

“Hindi sa kinakampihan ko pero bakit naman yung lalaki ang ija-judge natin dahil siya naman ang nag-decide na gawin ang ganon? Di ba it takes two to tango? So it’s not just the woman’s fault but it’s always viewed as such,” diin niya.

Binanggit din ni Iza na yung ibang kababaihan ay nagiging biktima ng isang bawal na pagmamahalan dahil lang sa ganun ang idinidikta ng society. “It’s such a shame but it’s a reality.”70adff68-6519-4b6c-a22f-e3632191b72a

Nakatakdang ipalabas ang pelikula nila bago matapos ang buwan ng Setyembre. Nakapaloob sa pelikula ang buhay ng apat na aktres at bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang kuwento na tiyak na kapupulutan ng aral. “Alam mo, honestly let’s give it to the biggest one, Kris Aquino. I love the work ethic of Ate Kris. She doesn’t throw her weight around in a way na ipaparamdam niya sa’yo na she’s the most powerful one. Hindi eh,” sabi ni Iza.

Ang ‘Etiquette for Mistresses’ ay ang unang proyekto na makakasama ni Iza ang Queen of All Media.

“Dati, Kris TV lang o guesting na mabilis lang. One time nakasama ko siya sa isang charity event. Pero iba kasi ‘yung nagtatrabaho kayo. Susuportahan ka niya. Parang hindi siya threatened sayo. Nakakatuwa kasi secure siya sa talagang puwesto niya sa industriyang ito,” kuwento pa ni Iza.

Ganun din daw ang pakikitungo sa kanya ng kanyang mga co-stars gaya nina Kim, Cheena at Claudine. Ang pelikula nila ay ang magigin comeback movie ni Claudine. Ayon pa rin kay Iza, hindi pa naman dae kinakalawang ang galing ni Claudine sa pag-arte.

“Nagbabalik nga muli si Ate Clau. Matagal ng sabik ang fans niya sa kanya. Magaling siyang aktres. Talagang buo ang respeto ko sa kanya bilang aktres. She’s a star of the star. Yun ang tingin ko sa kanya.”

Leave a comment

Leave a Reply