
Jackie Forster congratulates son Kobe Paras with a heartwarming Instagram message
By PSR News Bureau
Matapos manalo ang kanyang anak na si Kobe Paras para sa kanyang ikalawang titulo sa slam dunk ng FIBA 3×3 para sa kategoryang under-18, hindi naiwasan ni Jackie Forster na batiin ang kanyang anak sa pamamagitan ng Instagram. Gaya ng kanyang nakagawian na, sa Instagram lang nagagawa ni Jackie na ipahayag ang kanyang saloobin dahil matagal na nga siyang nawalay sa kanyang dalawang anak kay Benjie Paras. Ito lang ang natatanging paraang alam ni Jackie kung saan maipapaabot niya ang kanyang mensahe.
Matapos kasing magkahiwalay sina Benjie at Jackie, naging masalimuot ang buhay para kay Jackie. Kaya’t iniwan nito kay Benjie ang kanyang mga anak na sina Andre at Kobe. Mula noon ay wala ng komunikasyon si Jackie sa mga anak. Nagkaroon na rin siya ng sariling pamilya at ganun din naman si Benjie. Ang stepmother nga nila Andre at Kobe na si Lyxen Diomampo ang mas itinuturing nilang ina at hindi si Jackie na tunay nilang ina.
Makikita sa mensahe ni Jackie ang larawan ni Kobe nung siya ay baby pa lang na naglalaro ng basketball at nasa aktong duma-dunk sa isang laruang ring. Isang bagay kung saan nagmula ang kanyang interes sa nasabing sport.
May caption ang nasabing larawan ng baby na si Kobe kung saan kukurot sa puso ng sinumang makakabasa nito. Sabi ni Jackie sa caption: “I may just be Jackie to you and though I can only see you through tags on Facebook, but know that mama will always be proud of you Kobe. I know one day God will replace all this pain we both feel with something wonderful.”