May 23, 2025
JaDine love team, stars on MMK’s Valentine special
T.V.

JaDine love team, stars on MMK’s Valentine special

Feb 13, 2015

Antazo PSR pic
by Mary Rose G. Antazo

Mas nakakikilig na Valentine’s Day ang hatid sa viewers ng ‘Maalaala Mo Kaya’ ng ABS-CBN ngayong Sabado, February 14 dahil itatampok dito ang patok na “JaDine” love team nina James Reid at Nadine Lustre.  Gaganap sina James at Nadine bilang sina Yong at Carmina, ang magkarelasyong pinakbuklod ng labis na pagkahilig ng huli sa love stories at sa listahan ng mga palatandaang magdadala sa kanya patungo kay “Mr. Right.”

12 22

Matutulungan ba ng mga love sign sina Yong at Carmina sa sandaling dumaan sa pagsubok ang kanilang relasyon? Bahagi rin ng upcoming “MMK” Valentine special sina Sharmaine Arnaiz, Hyasmin Neri, Andre Garcia, Aina Solano, Erin Ocampo, Myrtle Sarosa, Nicole Barranda, Kyra Custodio, Axel Torres, Onse, Noel Colet at Marites Samson. Ito ay sa ilalim ng direskyon ni Frasco Mortiz at panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos.

Ang ‘MMK’ ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Sa loob ng 23 years, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang ‘Maalaala Mo Kaya’ na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa. Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK,” tuwing Sabado, 7:15PM, pagkatapos ng “Home Sweetie Home” sa ABS-CBN.

Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com sundan ang sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na#MMKSignsOfLove.

Follow me…

social networkingMary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/balot9

Leave a comment

Leave a Reply