May 23, 2025
Jak Roberto plays Joma Sison in his first lead role
Featured Latest Articles

Jak Roberto plays Joma Sison in his first lead role

Aug 31, 2016

Bida na ang Kapuso hunk actor na si Jak Roberto sa pelikulang “Tibak” ng beteranong journalist turned award-winning filmmaker na si Arlyn dela Cruz.

Pero ayon kay Jak, wala siyang ipinakitang abs sa pelikula kundi straight acting.

 

jak roberto“Serious actor po ako rito . Wala pong abs. Si Sir Joma (Sison), siya po ang may abs dito, hindi lang ipinakita sa pelikula”, pahayag niyang may halong biro.

 

Ayon pa kay Jak, overwhelmed siya sa break na ibinigay sa kanya ni Direk Arlyn.

 

“Nagpapasalamat po ako kay Inay Arlyn for the chance na magampanan ko si Sir Joma “, aniya.

jak roberto 3

Na-meet mo na ba si Joma Sison?

 

“Sa facebook lang po. Mine-message niya ako at binati niya ako noong birthday ko at sobrang proud ako dahil sinabi niyang alter-ego niya ako. It’s an honor for me na nakaka-communicate ko siya at nagampanan ko ang kanyang life story”, lahad niya.

 

Bago pa ginawa ang pelikula, ano ang pagkakakilala mo kay Joma Sison?

 

“Lider po siya ng CPP at nakilala ko pa siya nang higit nang isinu-shoot na namin ang pelikula bilang isang lider na may ipinaglalaban at may paninindigan”, pagbubunyag niya.

 

Paano mo gustong ma-recall ka ng mga tao sa “Tibak”?

 

“Siguro lahat naman ng artista, gustong ma-recall na nabigyan ng hustisya ang anumang role na ibinigay sa kanila. Sana sa pamamagitan ng “Tibak” ay mabigyang pansin hindi lang ako kundi pati na ang pelikula namin at kung anuman ang mensaheng gustong iparating nito sa mga tao”, paliwanag niya.

 

Malaking boost sa career mo ang pagbibida mo sa “Tibak”. Sa palagay mo ba, ito na ang pagkakataon na mapansin ka ng GMA-7 at mabigyan ng mga lead roles?

 

See related story (FROM UNSPOKEN TO SPOKEN: A Movie Review in Arlyn dela Cruz’s TIBAK)

 

“Sana po. Sana po mabigyan ng pansin at thankful naman po ako sa GMA sa mga proyektong ibinibigay nila sa akin”, wishful thinking niya.

 

Dagdag pa ni Jak, bilang bahagi ng kanyang immersion sa role ni Joma ay nakasalamuha niya ang mga miyembro ng samahan at ng Kabataang Makabayan.

jak in tibak

“Bago po kami nag-shoot, nagkaroon po kami ng workshop. Na-meet namin iyong mga Tibak., iyon po ang tawag sa kanila. Inobserve ko kung paano sila magsalita pati na iyong mga hand gestures nila. Naiintindihan ko po sila at nire-respeto ko kung anuman ang kanilang ipinaglalaban”, kuwento niya.

 

Masaya si Jak dahil ang kanyang pelikulang “Tibak” ay napapanahon dahil sa isyu ng usapang pangkapayapaan sa bansa.

 

“Di ba nababalita na po ang peace talks at papunta na rin tayo sa ini-aim nating peace sa tulong po ni Presidente Duterte na dating miyembro rin po ng Kabataang Makabayan na kinaaaniban ni Sir Joma Sison. So, very timely po at relevant siya at happy ako na maging instrumento ng pagbabago iyong pelikula namin ni Direk Arlyn”, pagtatapos niya.

 

Mula sa Blank Pages Production, kasama rin sa cast ng “Tibak” sina Marion Aunor, Kristoffer King, Dido de la Paz, Jao Mapa, Xyruz Imperial, Joel Saracho, Neil Carandang, Marc Solis, Kiko Matos, Joel Saracho, Lui Manansala, Julio Diaz, Soliman Cruz at marami pang iba.

tibak

Leave a comment