May 23, 2025
Jake Ejercito joins “Eat Bulaga’s Kalyeserye”
Faces and Places Home Page Slider Latest Articles T.V.

Jake Ejercito joins “Eat Bulaga’s Kalyeserye”

Jan 11, 2016

by PSR News Bureau

jake 1Pormal nang ipinakilala sa mga masugid na sumusubaybay ng Kalyeserye ng Eat Bulaga kung sino ang ‘Jake’ na tinutukoy nilang magiging karibal ni Alden sa puso ni Maine. Ito nga ay walang iba kung hindi ang guwapo at makisig na anak ni Manila Mayor Joseph Ejercito ‘Erap’ Estrada kay Laarni Enriquez na si Jake Ejercito. Ayon kay Ms. Malou Choa-Fagar, TAPE Inc. executive na siyang producer ng hit noontime show na ‘Eat Bulaga,’ wala daw siyang ibang gustong gumanap bilang si Jake na pinagseselosan ni Alden sa kanilang segment na Kalyeserye kung hindi ang binatang anak ni Mayor Erap. Tamang-tama naman na nasa bakasyon si Jake nang inilapit sa kanya ang naturang proyekto.

Dahil nga nasa bakasyon mode lang si Jake kaya’t noong umpisa ay very reluctant ito na tanggapin ang nasabing papel sa Kalyeserye kung saan nakilala ang phenomenal AlDub loveteam. Kasalukuyan kasing nag-aaral si Jake sa Singapore kung saan siya naka-base. Naka-schedule na rin doon ang kanyang muling pagbabalik. Pero nakumbinse rin kaagad ng pamunuan ng TAPE Inc. si Jake kung kaya’t ‘bumulaga’ na nga ito noong nakaraang linggo sa ‘Eat Bulaga.’

Matagal na raw gustong mag-artista ni Jake. Pero ayaw nga itong payagan ng ama niya dahil prayoridad daw dapat nito ang kanyang pag-aaral. Gusto kasi ni Mayor Erap na makapagtapos muna si Jake ng pag-aaral bago nito seryosohin ang anumang gusto nitong gawin. Kapag nakatapos naman na daw ng kanyang edukasyon si Jake ay hahayaan na nitong mamili ang binata at susuportahan niya anuman ang magustuhan o piliing daang kanyang tatahakin ang anak—mapa-jake 4pulitika man o showbiz ito.

Kahit sandal lang mapapanood si Jake sa Kalyeserye, masaya na rin ang binata na magkaroon ng break sa showbiz kahit pansamantala lamang. Welcome naman si Jake anumang oras sa ‘Eat Bulaga’ sakaling gustohin niyang muling bumalik. Isa rin sa naging malaking factors kung bakit napapayag si Jake na gumanap ng mahalagang papel sa Kalyeserye ay sa kadahilanang isang avid fan din ng AlDub ang Mommy niyang si Laarni Enriquez. Nakatutok palagi ang kanyang ina sa panonood at gaya ng marami, kinikilig rin ito sa tamabalan nina Alden at Maine. Ang tanging inaalala lang ng kanyang jake and andimommy ay baka ma-bash si Jake sa dami ng fans ng AlDub nation. Alam naman ng lahat kung gaano ka-selosa ang fans at sa tindi ng kagustuhan nilang si Alden lang ang para kay Maine, malamang na hindi lahat ng tao’y magugustuhan ang ‘presensiya’ ni Jake sa Kalyeserye. Pero ayon naman mismo kay Jake, naniniwala itong matalino naman ang manonood at alam nila na ang lahat ay bahagi lang ng isang palabas sa TV.

Ang tanong ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), may basbas kaya ni Andi Eigenmann ang paglabas nito ni Jake sa telebisyon? Ano kaya ang reaksiyon ng mestisang aktres na ang kanyang ‘ex’ boyfriend ay nag-aartista na rin at ‘third wheel’ pa ng sikat na AlDub loveteam?

Leave a comment

Leave a Reply