
Jake Vargas and Bea Binene stars on Liwanag sa Dilim
Isang malaking break ang dumating sa loveteam nina Jake Vargas at Bea Binene dahil sila ang napili ng APT Entertainment, Inc. na magbida sa pelikulang Liwanag sa Dilim.
Mula sa direksyon ni Richard Somes, gumaganap sina Jake at Bea bilang teen-agers na nakatuklas sa lihim ng isang mahiwagang babae (na ginampanan ni Sarah Lahbati) na naninirahan sa bundok. Dahil sa ginawang pagbi-video ni Jake ng sikerto ng mahiwagang babae at na-upload ito sa social media, naghiganti ang babae sa kanila at doon na nagsimula ang kakaiba nilang adventure.
“Isang kakaibang experience na naman po ito para sa akin. Malaking pasabog talaga itong Liwanag sa Dilim para sa aming fans dahil hindi ito ‘yung usual na napanood na nila sa amin,” sabi ni Jake.
“Makapigil-hininga ‘yung mga eksena lalo na ‘yung papatapos na ang pelikula.
“Nakakapanibago pero fulfilling ‘yung dating sa akin. Hindi lang kasi ito pa-cute. Hindi nga ako makapaniwala na nagawa ko ‘yung matitinding eksenang ‘yun,”
Nakausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR) at ng ilang entertainment press si Jake sa presscon ng Liwanag Sa Dilim.
Samantala, nilinaw ni Jake ang balitang break na sila ni Bea. Ayon sa kaniya, ay sila pa rin ni Bea although may tampuhan daw sila ngayon.
“Siyempre may relasyon kayo, kaya natural na may mga tampuhan, ganyan, ganyan. Ganito po kami, on and off kami.. Pero okey kami,”
‘Yung okey na yun, may communication pa rin kayo?
“Nakaka-text ko siya,” matipid na sagot ni Jake.
Ano ba ang kadalasang pinagkakatampuhan nila ni Bea?
“Mababaw lang naman. Pero kami kasi, parehong mataas ang pride e, kaya konting ano lang, parang ang laki-laki na sa amin,”
Kapag may tampuhan sila ni Bea, si Jake ang laging unang gumagawa ng paraan para magkaayos sila ng girlfriend.
“Siyempre lalaki naman dapat ang laging nauuna, kailangan ganun,”
Sa tingin ni Jake ay maayos din ang tampuhang namamagitan sa kanila ngayon ni Bea.
“Maayos at maaayos din naman po. Sa bandang huli maayos din, dahan-dahan lang.”
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente