
Jake Vargas refutes the idea that Ja-Bea love team heads-on with Jani-Elmo; speaks up of upcoming movie ‘Liwanag sa Dilim’
by Joe Barrameda
Sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez na daw ang pambatong loveteam ngayon ng GMA. Dati daw kasi ay sina Jake Vargas at Bea Binene ang lead love team ng Kapuso network. Hindi naman daw apektado si Jake Vargas kung tinalo na ngayon ng JaniElmo nina Janine Gutierrez at Elmo Magalona ang tambalang JaBea nina Jake at Bea Binene.
“Kaming dalawa ni Bea hindi po kami nakikipagkumpitensiya sa kanila,” ani Jake.
“Ginagawa din naman ng GMA iyon para sa kanila at para sa amin din naman talaga. So kami, ginagawa namin ang lahat para maging okay ang career naming at para din sa GMA.”
Maituturing ba ni Jake na pinakamalapit niyang karibal sa popularidad si Elmo? Pareho silang young matinee idols at pareho ring singers.
“Hindi ko alam, e! Talaga, pinagtatapat kami?
“Hindi ko alam, wala akong idea sa, wala akong idea na ganun. “Basta kami, work lang talaga, work, work.”
Magkaibigan raw sila ni Elmo. “Si Elmo, nakakasama ko yun sa SAS [Sunday All Stars] minsan. Tsaka mabait, mabait si Elmo.”
Nasa ‘More Than Words’ sina Janine at Elmo samantalang natapos early last year ang Strawberry Lane nina Jake at Bea. Pinapangarap ni Jake na si Bea muli ang nais niya na makasama sa susunod niyang project sa Kapuso network.
“Sana bigyan pa kami ng show ng GMA.” Wala pa raw silang balita kung ano ang sususnod nilang proyekto ni Bea.
“Siguro magugulat na lang kami, andiyan na agad yung show namin. Baka kinabukasan or baka mamaya,” sabay natawa si Jake sa kanyang pahayag.
Dahil maysakit si Kuya Germs ay ang kapatid na babae ni Jake ang nagiintindi at nakakaalam ng mga schedules niya. Hindi naman masyadong naapektuhan ang career ni Jake sa pagkakasakit ni Kuya Germs.
“Hindi ko iniisip na magkakasakit siya ng ganyan, basta pinagpe-pray ko lang na okay siya lagi. Hindi naman daw siya nasisiraan ng loob.
Nakadalaw daw siya noong nasa ospital si Kuya Germs pero hindi pa niya muli nakakausap ang kanyang manager.
“Simula nung pumunta ako ng ospital hindi ko pa siya nakakausap. Tapos nung pumunta ako sa bahay niya, dapat kakausapin ko e bawal daw yata siyang kausapin, sabi ni Tito Freddie, yung anak niya.”
Si Federico Moreno na unico hijo ni Kuya Germs ang tinutukoy ni Jake.
“Nagpapahinga daw, bawal daw muna ang stress, ganyan…ganyan. So nagte-therapy muna si Kuya Germs para ‘pag after makapahinga siya, pupunta yata siya sa States, e.
“Three months yata.”
May mga tsika na may mga nakapaligid sa Master Showman na nagagalit sa mga feeling nila ay inaabuso ang kabaitan ni Kuya Germs. Tanong naman din daw ng mga nakausap na kung kaya ba nilang ibigay ang kaligayahan ng Master Showman?
Sa kabilang dako ay naitanong kay Jake may takot ba siyang nararamdaman habang papalapit ang showing ng ‘Liwanag Sa Dilim’ na unang pagbibidahan nila ni Bea sa isang pelikula?
“Hindi po, sobra po akong natutuwa! Tsaka sobra po akong nae-excite. Kasi ito po yung kumbaga para sa akin, ito yung pinakamagandang ginawa ko na movie na kaming tatlo nila Igi Boy [Flores] ang magbibida.
“So proud po ako sa sarili ko and proud kaming lahat sa pelikulang ito. Kasi ang galing rin ng direktor naming si Richard Somes.”
Sa trailer ng ‘Liwanag sa Dilim’ ay may mga eksena si Jake na tila nahahawig sa mga eksena ni Dingdong Dantes sa ‘Kubot: The Aswang Chronicles 2’.
“Oo nga po e,” at tumawa si Jake.
Napanood raw niya ang Kubot.
Tiyak na maikukumpara siya kay Dingdong sa pelikula.
“Natutuwa po ako! Nasisiyahan ako kasi siyempre para akong, Dingdong Dantes ang dating ko, di ba?”
Pagpapatuloy pa ni Jake.
“Nakakatuwa kasi yung mga fight scenes namin dun yung mga hagis-hagis namin totoo. Tsaka wala kaming double actually, kami mismo yung gumagawa. wala kaming gaanong double talaga.
“Kaya napaka-challenging para sa amin.”
Sa February 11 ang opening day ng ‘Liwanag Sa Dilim’ ng APT Productions.