May 23, 2025
Jake Vargas shares his views on his Tatay Germ’s being workaholic
Latest Articles

Jake Vargas shares his views on his Tatay Germ’s being workaholic

Jan 19, 2015

john@fontanilla

by John Fontanilla

JAKE 07 copy Nakabisita na ang Kapuso teenstar na si Jake Vargas sa kanyang manager/discoverer na si Mr. German Moreno na ngayon ay nakaratay pa rin sa St. Luke’s Medical Center, Q.C. at nagpapagaling dahil na rin sa mild stroke.

“Kung marami ang nalulungkot sa nangyari kay Tatay Germs isa ako dun kasi manager ko siya at siya ang nag-open ng doors sa akin sa showbiz kaya nandito ako.

“Kung wala si Tatay Germs wala ako dito sa showbiz.

Pagbabalik tanaw nito, nagulat daw siya ng malaman ang hindi magandang balita mula sa kanyang driver na si Tito Noli na siyang nagsabing na-mild stroke si Kuya Germs.

“Kinokontak kasi sya ni Tatay Germs mga madaling araw yun pero hindi niya nasagot.

“Si Tatay Germs kasi yung taong ‘pag tumawag, may importanteng sasabihin yun.

“Kaya nag-alala si Tito Noli at umaga na ng malaman namin na na mild stroke pala si Tatay at nasa St. Luke’s na.

“Pumunta kami sa St. Luke’s nung second day pero hindi ko nakita o nakausap si Tatay Germs kasi bawal nga daw munang bumisita dahil kailangan niyang magpahinga sabi ng doctor tsaka na ICU pa siya.

“Balak ko ulit dumalaw para makita ko si Tatay , siguro one of this day bibisita ako ulit.

“Gusto ko kasi siya makita at makausap.

“Message ko ka’y Tatay Germs na lagi siyang nasa prayers naming nagmamahal sa kanya para mas mabilis ang pag galing niya.

“Sana gumaling na siya kaagad marami kasi kaming naghihintay ng pagbabalik niya.

“Tsaka bawas pag-iisip kasi dun siya na stress sa dami ng iniisip niya.

“Siguro iwas muna ng pagiisip ng problema, dapat lagi siyang happy.

Jake liwanag“Kailangan pahinga rin siya, kasi si Tatay Germs hindi napapagod.  Sobrang sipag gusto laging may trabaho.

“Tuloy tuloy pa rin ang Walang Tulugan kahit nasa hospital pa si Tatay Germs.

“Yun kasi yung gusyo niya, kaya kaming mga anak niya sa Walang Tulugan mananatili sa show.

Sa kabilang dako, nang humingi ng update sa projects nya ang Philippine Showbiz Republic (psr.ph), sinabi nyang, “Sa ngayon tatlo pa rin ang regular shows ko “Walang Tulugan”, “Pepito Manaloto” at “Sunday All Stars”.

“Pero may movie kami ni Bea na ipapalabas ngayong January yung Liwanag sa Dilim.”

Follow me…

social networkingJohn Fontanilla
iamjohnf

Leave a comment

Leave a Reply