
Jam Sebastian’s mother mum on rumored conflict with Mich Liggayu
Compiled by PSR News Bureau
https://www.youtube.com/watch?v=sEGzcdYbCtI
Trending topic ngayon sa internet at social media ang video ni Mich Liggayu ng “Jamich” kung saan makikitang umaawit ng malakas ang dalaga kasama ang ilang kaibigan nito. Mapapanood rin sa nasabing video na ito na kuha ito sa mismong hospital room ng namayapang boyfriend ng dalaga na si Jam Sebastian. Makikita rin sa nasabing video na pinatatahimik sila ng ina ng yumaong si Jam na si Gng. Maricar, ngunit parang binalewala lamang ni Mich ito.
Bukod dito sa nasabing viral video, nagkaroon din ng interview si Gng. Maricar sa Startalk noong Sabado na lalo pang nagdagdag ng alingasngas na mayroon ngang hindi pagkakaintindihan sina Gng. Maricar at si Mich matapos mailibing si Jam tatlong linggo na ang nakararaan.
May nagtimbre sa Philippine Showbiz Republic (PSR) na isa raw sa hindi umano nagustuhan ng ina ni Jam ay ang pagkaka-link ni Mich sa baguhang singer na nagngangalang Neo Dominguez, bukod pa sa plano nitong pagpasok sa showbiz. Feeling ng ina ni Jam, masyadong mabilis nga naman kung napalitan agad ang yumaong anak nito sa puso ng dalaga.
Ayon pa sa ina ni Jam, deadmahan ang nangyayari sa pagitan ng dalawang mahalagang babae sa buhay ng dating YouTube sensation na si Jam Sebastian. Sa interview ng Startalk, tinanong si Gng. Maricar kung ano ang masasabi niya sa nasabing issue, ang tanging naging sagot nito ay: “No comment ako doon. Hindi ko siya dapat pakielaman pa. Tapos na yung naging kabanata nila ng anak ko. Siya na lang ang nakakaalam ‘nun kung ano ang mga ginawa niya.”
“Ako hindi pa ako maka-move on. Kaya gusto ko munang respetuhin kasi kamamatay lang ng anak ko. In time siguro, magsasalita rin ako,” wika pa ni Gng. Maricar.
Hangad ng Philippine Showbiz Republic (PSR) na matapos na ang hidwaan sa pagitan ng dalawang babaeng mahalaga kay Jam Sebastian. Mas matatahimik ang kaluluwa nito saan man siya naroroon kung magkakaayos muli ang kanyang ina at naiwang nobya.